Maryknoll HS, nagpabasketbol para sa Med Mission
Nagpagalingan ng taktika at bilis ng pagkilos ang bawat kupunan ng Clergy team at Celebrity team sa larong Basketball na ginanap sa Sto. Tomas Cultural Center, noong ika-29 ng Setyembre.
Sa unang quarter ng laro, nagpakitang gilas kaagad ang pambato ng Clery team na si Fr. Ernest Pallo. Ipinamalas kaagad n’ya ang kanyang galing sa pagbuslo ng bola sabay ang suporta ng kanyang teammates, kaya mas lumamang ang kanilang puntos. Hindi rin nagpahuli ang pambato ng Celebrity team na sina Joross Gamboa at Jose (PBB Housemate). Sinikap din nilang magkaroon ng puntos subalit mas lumamang pa rin ang Clergy team sa iskor na 56-49.
Sa final quarter ng naturang laro, hindi na nagpaawat ang “The Good Shooter” na si Onyok Velasco ng Celebrity team. Naging kapana-panabik ang kanyang makatindig balahibong 3 point shots, ngunit hindi pinabayaan ng Clergy team kaya nagkaroon ito ng habulan ng puntos.
Napakainit ng laro at sigawan ng mga ng bawat kupunan. Habang papalapit na ang oras, tuloy-tuloy nang umaarangkada ang Celebrity team at parehong bumandila ang dalawang kupunan sa iskor na 78-78.
Ang nasabing laro ay nakalikom ng pondo para sa Medical Mission ngayong Oktobre. Ito ay inorganisa ng Maryknoll High School Batch 90 na pinangunahan ng kanilang Batch President Fr. Emerson Luego. (Erwin Salta, Ailyn Dumpor, Cristita Cajes)
No Comments