Tagalog Mass Susubukan sa Mintal

“Sana masayahan ang mga parokyano sa Mintal. Isa ito sa mga paraan na maibahagi namin ang salita ng Diyos gamit ang ating Filipino na lengwahe,” puntong sabi ng kura paroko ng Immaculate Conception Parish Fr. Jovil Bongay. Ayon kay Fr. Bongay, aasahang magugulat ang mga parokyano sa unang misa gamit ang Filipino ngayong unang Linggo ng Agosto sa ganap na alas-4 ng hapon.

Sa ngayon ang parokya ay may 8 na misa kada Linggo upang mas masilbihan pa ang mga miyembro nito mula sa 98 GKKs. Ang bubuksang misa sa Tagalog ay pangunguluhan ng kanyang mga kasamang pari, Fr. Leomel Puerto at Fr. Amado Arroyo.

“May ibang dating sa puso ang Misa kapag gagamitin natin ang ating sariling wika,” aniya. Marami naman tayong misa sa Bisaya at Ingles kaya naisip namin na susubukan ito sa loob ng anim na buwan. Kapag hindi epektibo, babalik kami sa dati,” panapos ni Fr. Bongay.

No Comments

Post A Comment