Aayusin ko ang Buhay ko
Dear Ate Emz,
Ako po si Sha, single Mom. I just want to share my story. Simula kasi nung nabuntis ako, feeling ko nawalan ako ng kaibigan. Bumaba self-esteem ko and confidence. Pero napag isip-isp ko, kailangan gampanan ko ang pagiging nanay sa anak ko. Problema lang kasi eh di makapaghanap ng trabaho sa kadahilanang walang magbabantay sa baby ko. Ayokong iasa sa mga parents ko ang mga pasanin ko para wala silang masabi.
Graduate po ako kaya lang naunahan ako ng pagdadalangtao kesa magkatrabaho. Kasalanan ko rin ang lahat. Inuna ko ang kalandian kesa sundin ang mga pangaral ng mga magulang ko.
Minsan nga paglalabas ng bahay, naririnig ko na lang sa ibang mga tao… “Graduate nga, pero nabuntis naman”. Tinitiis ko na lang lahat dahil darating din ang araw na makakaahon din kami ng baby ko. Swallowing my pride napakahirap pero kinakaya ko. Kagagawan ko rin kasi. Ngayon sinisimulan ko na dahan-dahan kung ano ang mga dapat para matuwid ko ang buhay ko kasama ng anak ko. Panalangin ko na bigyan ako ni Lord ng lakas upang harapin ang lahat ng problema para sa kinabukasan naming mag Ina.
Salamat,
Sha
* * * * * *
Dear Sha,
Lagi kong nababanggit noon na tayo ay produkto ng ating mga desisyon sa buhay. At ito ay totoo din sa iyong kalagayan kung saan iyong nabanggit na “inuna ko ang kalandian kesa sundin ang mga pangaral ng mga magulang ko”. Isang very humbling gesture ang pag-amin ng kamalian. Ang mahalaga meron kang natutunan sa pangyayaring ito sa iyong buhay at mag move on na, bitbit ang mga natutunan na mga aral. Indeed there is truth in saying that “sometimes God writes straight with crooked lines.
Kung mga kaibigan naman ang pag-uusapan, dito mo malalaman kung sino talaga sila, lalo na kung sino ang iyong masasandalan sa panahon ng mga pagsubok at mga kamalian sa buhay, ngunit tinatanggap ka pa rin sa kabila ng iyong mga kahinaan at mga pagkakamali. Sa totoo lang, ang naging resulta nitong pagkakamaling desisyon, ikaw ay naging mapakumbaba, mapagpasensiya, at matibay upang harapin at ipagpatuloy ang iyong buhay. Failures are sometimes successes turned inside out as long as you use them to your advantage and make you a better person. Ang iyong sulat ay nagpapahiwatig ng isang babae na palaban sa gitna ng mga pagsubok, matapang pa rin na harapin ang mga tao who look down on you dahil sa iyong sitwasyon ngayon. Salamat naman at hindi ka nagpaapekto at nawalan ng pag-asa sa buhay.
Ang iyong anak ay isang dahilan kung bakit ikaw ang lumalaban para sa inyong kabutihan. Kahit sa anumang paraan siya dumating sa mundong ito, ang iyong anak ay isang regalo sa iyo na dapat pasalamatan sa ating Panginoon. Naniniwala ako na sa iyong kalagayan ay lalo kang napapalapit sa Kanya at nagiging malakas ang inyong pananalig na hindi ka Niya pababayaan. Hindi madali ang daan sa pagbabgo. Ang ating Panginoon ay magbibigay ng mga pagkakataon upang ikaw ay magpakumbaba, tanggalin ang iyong pride, nang sa gayon ay sa Kanya ka lang magtitiwala na hindi Niya kayo iiwanang mag-ina. Makikita mo, kapag ang Panginoon nagpapadala ng mga pagsubok, meron itong kasamang mga blessings nang sa gayon ay malalabanan at malampasan mo ang mga ito. His grace is enough for you to undergo and overcome your challenges and trials in life. Kapit lang sa Kanya habang tinatahak na ninyo ang tamang daan sa inyong paglalakbay sa buhay.
God is indeed giving us so many chances to re-direct our paths in life. Ganyan ka Niya ka mahal…His mercy and compassion is beyond measure. Sa iyong paglalakbay, kasama ang iyong anak, ako ay nanalangin sa sana ang ating Panginoon ay lagi ninyong kasama. With Mama Mary to lead you closer to Jesus, arm yourself with prayers always. Nurture your child in the ways of the Lord.
God will lead you to find solutions to your present concerns. As what Padre Pio reminds us, just pray, hope, and don’t worry.
God bless you more.
Ate Emz
No Comments