Caritas Philippines: Wrong timing ang panukalang Sovereign Wealth Fund ng pamahalaan

Ipinahayag ng Caritas Philippines ang pagtutol nito sa panukalang magtatag ng Maharlika Investment Fund sa gitna ng napakaraming problemang kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan.

Ayon kay Bishop Jose Colin Bagaforo, pangulo ng social action at development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, “Hindi ito ang tamang panahon para lumikha ng sovereign wealth fund lalo na at walang surplus o sobrang pondo na pwedeng ilaan dito. Higit sa lahat, hindi pa sapat ang tugon ng ating gobyerno pagdating sa epekto ng COVID-19 pandemic, krisis sa ating edukasyon, at sa mataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.”

Ipinasa ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na magtatatag sa sovereign wealth fund nitong Disyembre 15, makalipas lamang ang 18 araw mula nang ito ay isinumite sa komite noong Nobyembre 28 at sa mismong araw na ito ay na-certify as urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

“Maraming mga ekonomista na ang nagsabi na mali ang timing ng SWF at di ito ang dapat na pokus ng pamahalaan, hindi natin kakayanin na mawalan ng salapi na dapat ay para sa basic social services at pension ng mga mamamayan,” dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Ayon naman kay Caritas Philippines executive director Fr. Antonio Labiao, Jr., mapanganib din na hindi saklaw ng maraming batas ang SWF. “Walang regulatory restrictions, masyadong risky and vulnerable to corruption. Hindi rin sigurado na kikita agad ito, yung chance na pumalpak ito ay napakalaki and we can’t afford it ngayon na napakalaki ng ating fiscal deficit at national debt.”

Ayon sa Bureau of Treasury, ang national outstanding debt ng Pilipinas ay pumalo na sa PHP 13.641 trillion nitong Oktubre 2022. Dagdag pa dito ang 8% na inflation ngayong Nobyembre 2022, pinakamataas sa loob ng 14 na taon. Samantala, ayon sa Philippine Statistics Authority 19.99 million ng mga Pilipino, o 18.1% ng populasyon, ay nabubuhay nang mababa sa poverty threshold noong 2021. Ito ay malamang na lumala pa ngayong 2022 sa pagtaas ng presyo ng basic commodities.

“The question is do we really need a separate investment fund when our financial institutions are earning on their own with their individual investments? SWF objectives are not very clear; investing in infrastructure for one is already being done by other government agencies.

What value does it add that is not present with current strategies?” ani Fr. Labiao. “Maybe they should use Congress’ pork barrel at yung confidential funds na binigay sa ilang ahensya imbes na ang pondo ng BSP, Landbank at DBP na pwedeng gamitin para sa mga development projects sa kanayunan if they insist on pursuing this.” (Caritas PH)

No Comments

Post A Comment