New Day, New Life
Dear Ate Emz,
“THANK YOU LORD FOR ANOTHER DAY OF MY LIFE!” Ang mga katagang ito ay laging nagsisigaw sa aking isipan tuwing maalaala ko ang aking karanasan na hindi ko kailanman makakalimutan, lalo na tuwing paggising ko sa umaga.
Isa po akong masugid na tagasubaysay ng KNOT. Marami akong natutunang aral sa iba’t ibang kwento kaya nakapagdesisyon akong ibahagi ang aking mahalagang karanasan.
Mag 2 linggo na ang nakaraan, in the middle of the night I caught myself struggling for my breath. I had a dream where I struggled to breathe na merong nagbabara sa aking lalamunan, preventing air to get into my lungs. Kung saan saang direksyon ko na-point ang aking ilong upang makalanghap man lang ng hangin. Ang tagal bago ko nakamtan ang pagpasok ng hangin sa aking bibig at doon nakahinga ako ng maluwag! It was at this moment that I woke up, still struggling for that breath. I heard myself na parang nag-uungol ako and I heard my husband waking me up, shaking my body to wake me up. I said to myself, thank God! It was just a dream and I survived!
I was still trembling/shaking all over as I was recalling my dream and how I got that air into my lungs. Walang humpay na pasasalamat sa Panginoon na binigyan pa rin Niya ako ng pagkakataong magising sa bagong araw, bagong buhay!
That very moment I realized that many times I had taken my life for granted, that I had not even thought of thanking God that I was able to wake up each morning; while others do not anymore see the light of a new day!
Mula noon, tuwing umaga sa pagbukas ng aking mga mata, unang katagang aking binibigkas ay “Salamat Lord, ginising mo pa ko, salamat sa aking buhay!”
Ang bawat araw ay iniaalay ko sa Kanya bilang pasasalamat sa biyayang ito na handog ng ating Panginoon.
Nagpapasalamat
Grace
* * * * * *
Dear Grace,
Praise and thank the Lord for the gift of LIFE, a blessing which is sometimes taken for granted. Sa araw-araw ng ating paglalakbay sa mundong ito, minsan hindi na nga natin napapansin o namamalayan ang biyayang ito… ang ating paghinga o di kaya ang mga pagtibok ng ating puso, na siyang mga palatandaan na tayo ay BUHAY! Oo nga, BAWAT GISING AY BLESSING, isang paalaala na maaring gawing poster, tapos ilagay sa dingding ng iyong silid tulugan upang sa tuwing pagbuklat ng iyong mga mata, ito kaagad ang bubungad sa iyong harapan, nang sa gayon ay kaagad magpasalamat sa Buong Maykapal na binigyan ka na naman ng panibagong biyaya, isang araw na naman sa iyong buhay! Yes, the Lord is giving you new opportunities to experience His love and care and more blessings for another day!
Hindi ka nag-iisa sa iyong karanasan na kung saan magigising ka na lang na naghahabol ng iyong hininga. Nagkakaroon ng masamang panaginip o binabangungot ayon sa iba. Ngunit minsan ito ay sanhi sa hindi magandang sirkulasyon ng dugo sa katawan, o iba pang mga physical causes. And what a relief to catch your breath and say “thank God, it was just a dream!” Dahil ang iba hindi na nagigising at nakakaranas na pala ng tinatawag na Sudden Unexpected Death Syndrome (SUDS), and they die in their sleep.
Consider each day as the last day of your life, as one saying goes. Kaya samantalahin ang mga pagkakataon na magpasalamat sa Panginoon, ang gumawa ng mabuti, ang tumulong sa kapwa, ang maging instrumento sa pagbabago ng iba, etc., kahit sa iyong maliliit na mga pamaraan. As what Mother Teresa of Calcutta says, do small things with great love. Let each action you do bear fruit as you make a difference in other people’s lives, one day at a time… And before you take your rest at the end of each day, pray to your guardian angel, commend your spirit to the Lord in thanksgiving, ask pardon for your sins and shortcomings, invoke Mama Mary to protect you and keep you safe under her mantle while you sleep.
Alalahanin mo sa bawat bagong araw mayroon kang misyon na pinapatupad ng Panginoon ayon sa Kanyang kalooban. Manalig ka na lagi Siya gumagabay sa iyo sa lahat nang panahon. Harinaway pagpalain ka Niya sa lahat nang iyong mga pangarap sa buhay at maging blessing ka na rin sa mga tao na iyong makasalamuha.
With Jesus, Mary and Joseph, may you continue to live a life of gratitude and glorify God with your life, one day at a time…
God bless you more.
Ate Emz
No Comments