Alay-Kapwa 2014 ipinagdiwang

Ang Alay-Kapwa ay isang Lenten Season Campaign ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na nagsimula noong January 31, 1975.

Hangad nito na ating paigtingin pa ang pagiging isang “Kristo” sa iba—ang mamuhay bitbit ang katotohanang tayo ay may pananagutan sa lahat.

Nagsimula ito sa Ash Wednesday at nagtatapos sa Holy Week. Kaya panawagan ng ating Simbahan na ipakita ang ating pagkalinga (Formation, Worship, at Action) sa konkretong paraan.

ALAY KAPWA 2014 SA DAVAO

S a launching ngayong araw, konkretong programa ng Archdiocesan Social Action Center (ASAC) lalo na sa Disaster Preparedness Program, Alms-giving Program, ninanais nito na tulungan ang bawat GKK na magkaroon ng Disaster Fund sa pamamagitan ng pagbabahagi ng yaman. Mahalaga ding ipaabot sa bawat isa na ang mga kalamidad na nangyayari ay hindi dahil sa galit ng Diyos ngunit resulta lamang ng ating kakulangan sa pag-aruga ng kalikasan.

Ilan lamang ang mga sumusunod na pwede tayong makiisa bilang sakripisyo na din sa parating na Semana Santa. Tatawagin ang call-to-action na ito: “Dies matag pamilya, halad sakripisyo alang sa kwaresma!”

Upang mapabilis ang paglikom ng pondo, gagawing “piggy banks” ang 1 litro ng mineral water kung saan ang bawat pamilya at lahat ng sasali sa mga eskwelahan ay makakapagbahagi ng isang piggy bank hanggang sa matapos ang kwaresma.

 

Resource Sharing:

Of the total proceeds (GKK LEVEL)

60% goes to the Disaster Preparedness Fund of the GKK

40% goes to the Parish

 

Of the 40% that goes to the Parish:

60% goes to parish Disaster Fund

40% goes to the Archdiocesan Disaster Fund

 

Of the total proceeds at the school level:

60% goes to the School Disaster Preparedness Fund

40% goes to the Archdiocesan Disaster Fund

More updates next week.

No Comments

Post A Comment