Buwan ng Santo Rosario Ipinagdiwang
Ang Oktubre ay buwan ng Santo Rosaryo. Ang bawat isa sa atin ay hinihikayat na makiisa sa pagdiriwang upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng bawat mamamayan.
Nakaugalian na ng GKK St. Joseph the Worker, D’Achievers sa Cabantian na ang bawat isa ay magdasal at gunitain ito tuwing alas tres ng hapon ngunit bago pa man dumating ang pandemya ito ay ginagawa na ng naatasang miyembro na magkaroon ng santos na pag rosaryo sa loob ng bawat tahanan. At dahil sa hindi na normal ang panahon ngayon, nagkaroon ng pagbabago at napagkasunduang sa kapilya na lamang ito gagawin na pinangungunahan ng aming kabataan. Ang mga bata dito ay aktibo at mabilis natuto sa pagdarasal ng Santos na Rosaryo, sila ay palaging nangunguna sa pagdarasal lalo na sa mga araw ng Martes panahon sa pag prusisyon ng Mahal na Birhen Maria mula sa parokya at sa Huwebes ang pagbisita ng “Blessed Sacrament” at sa araw ng Sabado bago magsimula ang “Hiniusang Pag-ampo”.
Sa panahon ng pag anunsyo ng butihing Kura Paroko ng St. Mary of the Perpetual Rosary Parish, Fr. Dionisio Tabiliran tungkol sa ACN Phil. worldwide activity “One Million Children Praying the Rosary for Peace and Unity” sa Oktubre 18, 2021, hinikayat na sumali ang mga kabataan sa sabayang pagdarasal sa pamamagitan ni Gng. Erlina Tubig, ang Pangulo sa Pagpanudlo (PSP) ng GKK St. Joseph the Worker, D’Achievers.
Isinagawa ang sabayang pagdarasal ng Santos na Rosaryo sa ika-18 ng Oktubre sa alas nueve ng umaga at merong dalawanpu’t dalawa na mga kabataan ang lumahok at tumugon sa imbitasyon.
Ang pakikilahok ng mga kabataan dito sa GKK St. Joseph the Worker, D’Achievers sa ganitong programa ay magandang indikasyon na handa nilang isakripisyo ang kanilang paglalaro o anumang aktibidades upang sila ay maka paglingkod sa ating panginoon, nawa’y ito ay kanilang payabungin at maging maganda sana silang halimbawa sa ibang kabataan. (Evelyn Tubig Delos Santos, GKK SoCCom)
No Comments