I want to serve but…
Dear KNOT,
Ako si Romie, 25 years old nga babae. Bisan sa pangalan pa lang hidden identity nako kay dili ko gusto daghan og makaila nako kay nagapuyo ko sa usa ka pamilya nga dili open.
Akong ginaproblema sa akong self kay dili nako maingon sa ila kung unsa jud ang akong gusto ug dili pud ko kabalo kinsa ang willing mo-support nako kay wala man gud ko naanad anang open sa mga higayun nga naa me problema. Pero gusto nako na nga mahimo para makabalo sad ko kung unsa jud ko, unsa akong pulos aning kalibutana.
Nagsugod ni sa high school pa ko DJ Cheng, nga ginapasimba pa ko sa akong papa pero deep inside sa matag usa sa amoa napugos ra mi magsimba, mag tago-tago me para dili pasimbahon ug kung musimba mi, baon ray apas namo.
Hangtud sa nakauyab ko nga maoy hinungdan nga nagasimba nako kada semana. Niabot sad ang time nga wala na kaayo ko nagasulod og simbahan labi na tong nakatrabaho na ko.
Nakadungog ko sa poll question gikan sa imong programa kabahin sa sakripisyo nako karong kwaresma. Wala ko kabalo kung asa magsugod. Dili jud nako mapugngan nga makasala. Samtang gapaminaw ko sa story ni Micmic niadtong February 27, I wanted to serve Jesus. Gusto nako ma-active sa simbahan or bisan sa among GKK lang ug dili nako mabuhat tungod sa temptations.
Unsa akong himuon. Salamat kaayo.
Love,
Romie
* * * * * *
Dear Romie,
Salamat sa pag share sa kuwento ng buhay mo. Ang pagkakataong ito ay simula na ng iyong pagiging open upang ibahagi kung ano ang iyong mga saloobin na kung saan ay may matutunan din ang iba.
Salamat din sa sa iyong papa na kahit labag sa inyong kalooban, nagpupumilit pa rin siyang ilapit kayo sa Panginoon sa pamamagitan ng pagsimba. Kahit papaano naging bahagi na Siya sa kasaysayan ng inyong buhay.
Mapagpasensiya si Lord. Siya ay naghihintay lamang sa tamang panahon na ikaw mismo ang kusang lalapit sa Kanya. At ito ay dumating nga sa pamamagitan ng iyong boyfriend at sa iba pang mga pangyayari sa iyong buhay katulad ng pagkakawala ng iyong mga kamag-anak at mga mahal sa buhay. Minsan sa ganitong paraan tayo “kinakalabit” ng Panginoon; ang maranasan natin yung malungkot at masakit na mga pangyayari upang maibalik Niya tayo sa landas patungo ulit sa Kanya. Ang mga pangyayaring ito ay siyang naging dahilan sa muling pagdarasal at pagiging malapit sa Kanya. Isang mahalagang blessing ang iyong pakikinig sa programang KNOT. Sa ganitong paraan ka Niyang hinikayat upang maipabatid sa iyo na importante ka at tinatawag ka Niya ulit upang maging makabuluhan ang iyong buhay.
Ngayong panahon ng Kuaresma, isang paalaala para sa atin ang pag nilay nilay sa katotohanan na tayo ay mahal na mahal ng Panginoon. Inialay Niya ang Kanyang sarili para sa ating kaligtasan, na muling makasama Niya tayo sa Kaharian ng ating Ama. Para sa iyo ang panahong ito ay maaring naging pagkakataong malantad sa sarili ang mga pagkukulang o mga kasalanang nagawa. Kaya nga mayroon tayong Sacrament of Reconciliation upang tayo ay manumbalik sa Panginoon at makapagsimula ulit at mag bagong buhay.
Walang taong perpekto, lahat tayo ay makasalanan. The Lord hates the sin, but loves the sinner. Ito ang panghawakan natin. In his great mercy, He wipes away all our sins. This is how he loves us. It is a very humbling experience to accept that we are weak and we fall again and again. But God forgives us again and again. And God calls us to serve Him even with all our weaknesses and failings. Ang mahalaga ay ang pagbangon at magsimula ulit.
Walang dapat ikatakot sa pagsisilbi sa Panginoon. Lagi Siyang nariyan upang kayo ay bigyan ng nararapat na lakas. His grace is enough for you. He will purify your words and deeds. Hindi kailangan magiging grande ang mga gawain upang makapagsilbi kay Lord. Ang imbitasyon ni Mother Teresa, “let us do small things with great love”, ay nagpapatunay na kahit ang ordinaryong gawain katulad ng paghuhugas ng plato, paglilinis ng bahay, pagtulong sa kapwa, paggawa ng trabaho sa opisina, etc., kung ginagawa na may pagmamahal, magiging makabuluhang alay sa Panginoon. Sa katunayan, maari din itong maging prayer natin. We can also make our actions our prayers, according to Sta. Teresa.
Huwag mong palampasin ang lahat nang mga pangyayari sa bawat araw ng buhay mo, masaya man o malungkot, masakit man o hindi, ialay lahat nang ito kay Lord, sa ikakaligtas ng lahat, o sa kapayapaan ng mundo o sa iba’t-ibang intensyo.
Alalahanin na ang buhay sa mundong ito ay may katapusan, ang tunay nating patutunguhan ay ang ating Eternal Home, sa kanya-kanyang panahon mararating ng bawat isa. However, remember, every day we are dying in so many ways before we finally die to face the Lord.
Embrace your little crosses every day, unite them with the cross of Christ and celebrate life with Christ’s resurrection! As one monk I recently met shared, it is worthwhile to “Think God, and if you think God you think good, and if you think good, finally you THANK GOD!”
May you have a meaningful Lenten season with the Glorious Easter celebration!
Love,
Ate Emily Madrona & DJ Cheng
Tune in to KNOT via 89.9 Spirit FM, daily from 1 to 3 PM. Watch the FB streaming via DXGN 89.9 Spirit FM-Davao.
No Comments