Telegrama Love
(Si Lolita at ang kanyang tadhana)
Hiyee, hetong isang kwento na magsasabi sa ating, kapag si LORD na ang nagsulat ng love story mo, wala ka nang takas. Salamat, Lolita.
* * * * * *
Sa larangan ng love life, iba’t ibang kwento ang matutunghayan ayon na rin sa dinami-daming mga nagmamahalan. Isa na ako diyan. Naniniwala ako na sa bawat kwento, may papel ang kamay ng Panginoon, sinusunod man natin o bina balewala.
Magkasintahan kami ni Andy simula noong college days pa namin. Pagkatapos ng graduation, agad akong nakahanap ng trabaho sa Manila at naiwan siya sa probinsiya.
Habang kami ay malayo sa isa’t isa, mga sulat, telegrama at long distance calls ang nag-uugnay sa aming dalawa. Wala pang cell phones noon. Sa unang mga anim na buwan, regular ang communication namin ngunit unti-unting dumadalang habang lumilipas ang mga araw at buwan, hanggang sa wala na akong balita sa kanya dahil basta na lang naputol ang communication.
Dahil bagong salta ako sa Manila, hindi pa ako familiar sa mga pasikot-sikot doon. Sa katunayan hindi ko pa alam kung saan ang post office or RCPI na kung saan makapadala ako ng sulat at telegrama. At dahil wala pa ako masyadong kakilala, masipag ang aking boardmate mag introduce ng kanyang mga friends sa akin.
Isa dito si Benny sa mga pinakilala niya. Nag volunteer siyang maging “tourist guide” ko sa mga interesting places sa Manila, lalo na ang post office at RCPI na pinaka importante sa akin sa mga panahong yon. Lagi ko din siyang kasama kung magpapadala ako kay Andy ng sulat o telegrama.
Alam ni Benny ang tungkol sa amin ni Andy.
Kung minsan wala akong matanggap na communication, nagsusumbong ako kay Benny at lagi niyang sinasabi sa akin na “baka busy lang yung tao.”
O di kaya habaan ko lang daw ang aking pasensiya sa paghintay ng mga sulat. Pinapaintindi niya sa akin ang sitwasyon na ganun minsan ang long distance relationship (LDR).
Sa madaling salita naging magkaibigan kami ni Benny. Panatag ang aking loob pagkatapos ko ibuhos sa kanya ang aking mga hinaing tungkol sa trabaho, sa pamilya, sa sitwasyon namin ni Andy at kung ano-ano pa.
Handang makinig at umintindi si Benny. Naging kadamay ko siya sa maraming pagkakataon. Sa katunayan, masasabi ko na malalim na ang aming friendship dahil comfortable na kami sa isa’t isa kasi we can share anything under the sun, including our future plans.
Part of sharing of my future plans, I opened up to Benny that I planned to get married after five years, at the age of 30, and that would be 1980 by then.
Bigla na lang niya sinabi, “I cannot wait that long for you”.
Nagulat ako sa sinabi niya. When I said I want to get married by 1980, hindi siya ang nasa isip ko kundi yung isang naiwan sa probinsiya, si Andy!
Sa loob-loob ko sabi ko sa sarili ko, bakit ganoon? Ano akala niya, siya ang nasa plano ko? Ngunit ang nasabi ko lang, “bakit, boyfriend ba kita? Niligawan mo ba ako? Hindi mo naman ako niligawan ah!” At ang kanyang sagot, “I think I need you.”
‘Yun palang closeness ko sa kanya ay iba ang pagintindi niya. P’wede palang i-claim ng lalaki na girlfriend ka na niya, siya lang ang nakakaalam at walang kamuwang-muwang si babae?
Napaisip tuloy ako. Na disturb ako sa kanyang statement. That day was his last day in Manila dahil kinabukasan lilipat na siya sa bagong work assignment at madestino siya sa probinsya. Hindi ako nakatulog nang gabing ‘yon.
Kinaumagahan, hinatid ko siya sa airport. Aaminin ko, ma miss ko rin siya. Gusto ko na rin maalaala niya ako kahit malayo na kami sa isa’t isa. When he was about to board the plane, walang atubiling binigay ko sa kanya ang suot kong singsing na mana ko pa sa aking nanay, with these parting words, “just remember me.” That very moment I felt something prick my heart when we bid each other good-bye.
The rest is history. Kahit madalang kaming nagkikita (twice or 3 times a year) dahil malayo kami sa isa’t isa, we bridged the distance between us and nurtured our relationship with letters, telegrams as well as long distance calls. And yes, a couple of years later, I married my best friend and we are on our 42nd year of journeying together, always thanking God for the gift of a best friend in each other.
Salamat sa pagkakataong maging bahagi ng KNOT.
Lolita
* * * * * *
Dear Lolita,
Kapag mga kwento ng pag-ibig ang pinag uusapan, ang bawat kwento, lalo na kung paano nagsimula, nagpatuloy, hanggang sa nahantong sa kasalan, ay laging pumupukaw ng ating interest na siyang nagdudulot ng kasiyahan sa ating puso. Kadalasan ito ay may taglay na mga leksyon sa buhay na maaring maging gabay para sa ibang magkasintahan.
Maaring matutunan sa inyong kwentong pag-ibig ang pagtanggap sa katotohanan na minsan ang ating mga plano ay magkaiba sa plano ng Panginoon. Kaya kahit gaano mong inaalagaan ang relasyon ninyo ni Andy, hindi ito ang kagustuhaan ni Lord. God knows what is best for us. Kaya kailangan natin manatiling bukas ang ating kalooban upang mabatid natin kung ano talaga ang Kanyang kagustuhan para sa atin. God’s will is not our will, hence, we always need to keep in touch with Him so that we can stay attuned to His plans for us.
Hindi ka Niya pinabayaan sa gitna ng iyong pagdalamhati sa unti-unting pagkawala ng boyfriend mong si Andy. Sa katunayan, binigyan ka Niya ng isang kaibigan, sa katauhan ni Benny, na kung saan ipinadama Niya sa iyo ang Kanyang kalinga tuwing nararanasan mong ikaw ay nag-iisa o nag-alala sa inyong sitwasyon ng boyfriend mo. Sa pamamagitan ng bagong kaibigan, may kadamay ka, may mapaghingaan ka ng loob upang manumbalik ang iyong sigla.
This clearly indicates that when God closes the door, He opens the windows to send His blessings in other ways and forms. He will never abandon us even if at times we may not feel His presence but He is just there watching us cope with certain difficulties and struggles in life. That is why we meet individuals along the way, our families and relatives, as well as friends and foes alike.
True friends are really hard to find. Ang sabi nga sa Bible, “If you have found a friend, you have found a treasure. I would like to congratulate you for having found such a meaningful friendship between you and Benny. I am sure this friendship must have been one of the strong foundations of your marriage that you have sustained your journey together for the last 42 years, and still counting. Where others have failed, your efforts to nurture your long distance relationship utilizing all means of communication available have undoubtedly withstood the test of having been away from each other. Indeed, communication is the life-blood of any relationship, much more in the situation where you had been.
There is so much reason to celebrate the love and friendship where both of you are blessed with. As God blesses you with more years of married life, may you continue to add more life to those years. Congratulations once again!!! – Ate Emily Madrona
* * * * * *
Hanggang sa susunod na kwentuhan. Salamat Lolita at Emily. Tune in sa KNOT, Monday to Friday, 1 to 3 pm. Email story sa dxgnkwento@gmail.com.
No Comments