My little angel
Dear KNOT,
I’ve been listening to the program at naisip ko baka makatulong kayo sa suliranin ko. Ang tagal kong naghintay bago magkaanak. Nagdasal kami ng mister ko at matapos ang sampung taon, dumating si Baby Ike sa aming buhay.
Natuwa kami ng husto ng asawa ko. Dahil musician si mister, nangarap kaming magkaroon ng singer sa pamilya. In fact, na ready na namin ang kanyang music room.
Matapos ang 9 na buwan, iniluwal ko na ang aking baby, ngunit taliwas ito sa aming expectations: deaf and mute si Baby Ike. Hindi siya nakakarinig at hindi siya nakakapagsalita. Nalaman namin ito nuong lumalaki na siya. Sabi namin baka delayed lang kaya in patience and in prayer, we waited. Pero, pagkatapos naming magpa check-up, nakompirma nga naming pipi at bingi ang aming kaisa-isang anak.
Sabi namin, ok lang, meron pa namang susunod na mga anak. Ngunit, limang taon pa ang lumipas ay wala pa ring sumunod sa kanya. Sa aming kaaantay sa pangalawa, nakalimutan na naming alagaan ang aming panganay.
Para sa isang ina, kahit ano pa man ang anak, matatanggap ito, ngunit napakahirap para sa asawa ko ang tanggapin na bingi at pipi ang kanyang supling. Naging dahilan ng aming madalas na pag-aaway ang aking pagtatanggol sa aking anak tuwing nagkakamali ito. Nagtiyaga akong mag aral din ng sign language para magkaintindihan kami, ngunit iba ang naging reaksyon ng mister ko. Nagalit ito sa pangyayari at sinabing minalas daw kami at sa amin pa ibinigay si Baby Ike.
Ano po ang dapat kung gawin upang maintindihan ko ang mister ko at matulungan ang anak ko sa kanyang sitwasyon.
Salamat po.
Mommy Sandy
* * * * * *
Dear Mommy Sandy,
Each child born into this world, no matter when or how, be they normal or otherwise, is always a gift, not a curse. God breathed forth life into them and willed them to live. That helpless little one’s life has a purpose even if this is beyond our understanding to fathom.
Nakakalungkot din isipin na hindi matanggap ng isang magulang ang anak na may kapansanan, kahit sa paglipas pa ng mahabang panahon. Salamat naman sa inyo, bilang isang ina, natanggap mo ang inyong anak, maging ano pa man ang kanyang kalagayan. Ipagpatuloy lang ang iyong pag-aaral ng sign language upang mapasok mo ang mundo ni Baby Ike at sa gayon makapag communicate at magkaintindihan kayo sa isa’t isa. Remember that communication is a LIFEBLOOD of any relationship.
Sa abot ng inyong makakaya, ibigay kay Baby Ike ang lahat nang pagkakataong makakatulong sa kanya upang makamtan niya ang iba’t ibang life skills, nang sa gayon, siya ay magiging independent at matapang na haharap sa mga pagsubok na darating sa kanyang paglalakbay sa mundong ito.
Mayroong mga support groups or organizations ng mga parents na may mga anak na kagaya ni Baby Ike.
Subukan mong mag search sa internet sa mga grupong ito at doon mo makita na hindi ka nag-iisa. Mayroon ding mga schools na tumatanggap ng mga batang may special needs.
With all these opportunities, I am sure you will be able to bring out the best of Baby Ike and be surprised at how gifted he is.
Sa panig naman ng inyong asawa, just be patient. Acceptance is also a process. Accompany his journey with your prayers that he may be able to let go of the anger or rejection in his heart and to someday find the blessings your Baby Ike brings to your family. Hindi kailanman malas ang pagdating ni Baby Ike sa inyong buhay. Marahil hinuhubog lang ni Lord ang inyong capacity to LOVE because it takes such tremendous amount of Tender Loving Care (TLC) demonstrated by patience, compassion, and understanding in the midst of difficulties brought about by this situation. If you have this love to give, blessings will pour upon your family. Rest assured that God’s grace is enough to sustain you. All you have to do is trust Him and He will do the rest.
God bless you and your family and may Mama Mary strengthen you all along the way. – DJ Cheng and Ate Emily
No Comments