Single mom
Dear KNOT,
I am a single mom of two. I was impregnated twice and this was my major reason of stopping my schooling in college.
Kung hindi ako nag drop, malamang ang tagal ko nang grumadweyt. Kung nag-doctorate ako, malamang, graduate na ako.
Ten years akong nahinto sa pag-aaral. And ngayong taon lang ako bumalik. Nakaka-miss ang pag-aaral pero mas mahirap ngayon kasi kailangan kong kumayod para makabayad sa tuition and other school fees.
Ngayon lang ako nakaranas mag loan sa Student Assistance Program. Di kagaya dati na si mama at ate ang nagpaaral sa akin. Una si mama sa ibang kurso, tapos si ate, salary deduction, sa iba na namang eskwelahan.
Ewan ko ba kung bakit nawawalan ako ng gana lalo na’t malapit nang magtapos ang semester. Wala din akong pakialam kung bumagsak man ako o balikan ang mga subjects gaya ng NSTP o lalo na ang Math. Dahil nga siguro ako ay scholar nila.
Ngayong taon, naranasan ko rin ang bumagsak sa Math pero ang sabi ni ate, okay lang yan, di kasi tayo magaling sa larangang yan. Pero ang sakit, kasi ako pa rin ang magbabayad sa tuition.
Achiever ako dati, grades 1-3 ngunit nawalan ako ng gana nang nasampal ako ng titser ko sa grade 4. May kinalaman kaya ito sa pananaw ko ngayon sa pag-aaral?
Thank you.
Ina
* * * * * *
Dear Ina,
Kung minsan sa ating pagkabata tayo ay may mga karanasan sa ating buhay na nagkaroon ng epekto sa ating ugali kahit na matanda na tayo.
Marahil ang pagsampal sa iyo ng titser mo noong nasa Grade 4 ka ay nagdulot ng trauma sa iyo at naging sanhi ng iyong negatibong pananaw tungkol sa iyong pag-aaral.
Mabuti naman at na realize mo at naging aware ka na baka ang trauma mo ang dahilan nito. Importante ang awareness kasi ito ang unang hakbang tungo sa paghilom ng ating “brokenness”.
Alam mo na kung ano ang mga susunod na hakbang na gagawin mo dahil hawak mo na ang dahilan. Maari mong balikan ang rason kung bakit nagawa yon ng titser sa iyo.
Wala ka nang magawa sa nangyari, tapos na yon. Subalit meron kang magagawa sa EPEKTO ng pangyayaring yon. You can choose to forgive your teacher and also forgive yourself for doing something that might have angered her. Hawak mo na ngayon ang sarili mo. Do not allow others to or events decide how you should act. Be proactive. You can choose to move on and re-learn to love school once again, lalo na ngayon na may mga anak ka na.
Dahil ikaw na ang gumagastos sa pag-aaral mo, mabuti naman at na realize mo ang halaga ng bawat sentimo na binabayad sa tuition at iba pang pangangailangan sa paaralan. Indeed, experience is the best teacher.
Hindi pa huli ang lahat upang ibalik ang dating sigla para sa kapakanan ng iyong mga anak. Ito sana ang magbibigay kahulogan sa lahat nang mga pagsisikap mo. Reclaim your old self, someone who has potentials to achieve more in life. Renew your efforts. Most importantly, arm yourself with prayers and trust in God’s wisdom and providence.
God bless you.
* * * * * *
‘Til next kwentuhan, higala! – Cheng & Ate Emily
No Comments