Dignidad o Pera?
Nakaranas ka na ba ng sobrang hirap at dumating sa puntong ipagpalit mo ang iyong dignidad sa salapi? Alamin natin ang KNOT ni Anniza. Ito ay naisa radio narin kamakailan.
* * * * * *
Ang buhay ay hiram lang, kaya sa bawat araw na nabubuhay tayo, dapat ay may kabuluhan tayong ginagawa sa hirap man na ating napagdaanan.
Ako si Anniza, 20 anyos. Mahirap po talaga ang buhay lalo na’t salat kami sa pera at hindi rin po gaano kadali ang kumita ng pera. Lumaki po ako na malaki ang pangarap dahil gusto ko na maiahon sa kahirapan ang aking pamilya. Noon po kasi, kumakain lang kami ng kamote at saging dahil wala kaming pambili ng bigas at wala ding trabaho ang papa ko noon. Malubha ang kanyang sakit. Mayroon po kasi siyang ulcer at toxic goiter, kaya si mama nalang po ang bumubuhay sa aming tatlong magkakapatid.
Kamakailan, may nagpropose sa akin na ako ay pakasalan at kapalit nito ay ang pagiging asawa niya. Pumayag ako, ngunit sa advice ng isang kaibigan, inayawan ko. Mas mabuti pa ang magtiis kesa sa habang buhay na makasama ang taong wala ka namang pagmamahal na nararamdaman.
Lumipas ang anim na taon. Nakapagtapos po ako ng elementarya at lumipat po kami dito sa Davao City. At dahil may maayos na pong trabaho ang mama ko, hindi rin po nagtagal ay umayos na rin ang kabuhayan ni papa. Siya ay isang magaling na pintor kaya nakapaghanap po siya agad ng trabaho. Dinarasal ko po lagi na sana ay magtuloy-tuloy na ang paggaling ng papa ko. Ayaw ko po siyang nakikitang nahihirapan. Ako po ngayon ay kasalukuyang nag-aaral bilang Senior High School student sa isang pribadong paaralan.
Maikukumpara ko na po ang buhay namin noon at ngayon. Dahil sa pagsusumikap, kahit papaano ay naiba ang buhay namin ngayon at ipagpapatuloy ko pa ang pag-abot sa aking pangarap hanggang makamit ko na ang rurok ng tagumpay. – Anniza
* * * * * *
Salamat Anniza. Ipagdasal natin ang iyong mga pangarap. ‘til next kwentuhan, higala!
No Comments