Best Buddy Now Becomes a Memory
Magmahal ka hangga’t gusto mo. Magmahal ka hanggang kaya mo. Magmahal ka hanggang kaya pa nilang tanggapin ito. Tao at hayop, may kaibahan ba ang sakit na mararamdaman mo kapag nawala na ito sa iyo?
Dear KNOT,Sabi nila, “A Dog is a Man’s Best friend,” but for me, “Our Dog is a Family.”
Ako nga pala si Brian, 22 taong gulang. Simpleng tao lang ako na may malaking pangarap sa buhay. Masasabi kong ako ay nasa isang maayos na pamilya, sakto lang, naibibigay ng aking magulang lahat ng aking pangangailangan.
Grade 5 pa ako ay binigyan ako ni lola ng aso. Palibhasa first dog tuwang-tuwa ako, kasi meron na akong aalagaang aso sa bahay. Pinangalanan namin s’yang “Buddy.” Binusog namin siya ng pagmamahal ng aking mga magulang; inalagaan ng maayos, pinakain, pinaliguan, at pinapasyal kung saan-saan.
Only child ako kaya si Buddy na ang tinuring kong kapatid. Elementary pa ako, andy’an na siya, hanggang sa high school at kolehiyo. Mahal na mahal ko ‘yung aso naming ‘yun dahil marami din kaming pinagdaanan.
Hindi ko makakalimutan ‘yung mga araw na pag may problema ako, kinakausap ko siya, ‘yung kakulitan niya, ‘yung tapang niya na pag may ibang taong pumasok sa bahay wala syang tigil sa pagtahol na tila ba walang ibang taong p’wedeng lumapit sa kanya kundi kami lang nila mama at papa. Higit sa lahat, ‘yung mga panahon na pag-uwi ko galing sa eskwela, pag bukas ko ng gate, siya lagi unang tumatakbo, mabati lang ako.
Hanggang isang araw nangyari ang hindi inaasahan. Pagbukas ko ng gate, wala nang Buddy na sumalubong sa akin. Tinatawag ko siya pero ni anino niya wala ng lumabas. Yun pala patay na siya. Nakita ko na lang ang kanyang katawan na nakahandusay sa likod ng aming sasakyan sa garahe, nagkalat ang dugo mula sa kanyang ilong at mayron ding dumi at ihi sa kanyang paligid. Natigilan ako nun saglit, hindi ko alam kung totoo ba yun o nananaginip lang ako nang gising. Ang tanging nasa isip ko lang ay hindi siya p’wedeng mamatay. Hindi p’wedeng mamatay ang kapatid ko. Pilit ko siyang ginigising pero kahit anong gawin ko, wala na talaga. Matigas na ang kanyang katawan at medyo mabaho na. ‘Yun ang pinakamalungkot na nangyari sa amin nuong gabing iyon. Iyak kami ng iyak nila mama hanggang sa pagtulog. Kinabukasan na ng inilibing namin siya sa gilid ng aming bahay pero hindi ko pa din mapigil ang sarili ko sa pag-iyak habang unti-unti na siyang tinatabunan ng lupa. Naglalaro sa isip ang mga tanong na bakit ganoon? Ang daya naman, kaisa-isang aso namin, kinuha pa. Minsan natanong ko din ang sarili ko na “Lord, kulang pa ba ‘yung pag aasikaso namin kay Buddy para gumaling siya sa kanyang sakit na Heartworm? Kulang ba ‘yung mga panalangin ko sayo na good gealth and long life lang para sa pamilya ko? Lord, bakit ganuon?”
Dumaan muna ang ilang buwan bago ko natanggap ang lahat at napag isip-isip ko, na siguro nga may rason lahat ng nangyayari sa atin dito sa mundo. Alam ko temporary lang tayo dito sa lupa at balang araw ay magkikita-kita din tayong lahat. Ang tanging pinanghahawakan ko lang ngayon ay yung positibong pananaw at pananalig na kung ano man yung mga bagay na nawala sa akin ngayon, in God’s perfect time kayang-kaya Niyang ibalik ang mga ito, sobra-sobra pa. For Me, FAMILY IS EVERYTHING.
Minsan lang masakit isipin na yung asong nag-iwan sa iyo ng maraming memories now becomes a memory. Pero time to move on dahil naniniwala ako na magkikita pa rin tayong lahat sa kabilang buhay kung saan eternal na ang lahat and forever na ang joy.
Nagpapasalamat din ako kasi at least tumagal sa amin si Buddy ng 10 years. Sa ngayon may mga aso na naman kaming inaalagaan at mamahalin din namin ito, kagaya ng pagmamahal namin sa una naming aso na si Buddy. ‘Yun lang po. To God be the glory! – Brian Roldan, St. Mary of the Perpetual Rosary Parish, Buhangin
No Comments