Nanay nagbukas ng eskwelahan para sa anak
Wala na yatang mas sasaya pa sa pakiramdam ng isang magulang kundi ang mabigyan ng magandang edukasyon at makitang makatapos ang kanilang anak sa pag-aaral, kaya naman sa edad tres pa lang ay pinapasok na nila ito sa nursery upang maging handa sa pag tung-tong nila ng elementarya.Pinatotohanan naman ito ni Dr. Janice Sadava Cataag, Founder ng Rainbow School and Tutorial na masaya siyang makitang natututo at nag e-enjoy ang mga bata sa kanilang pag-aaral, ng sa gayo’y marami na silang ma-impok na karunungan at makilala na mga kaibigan kahit na sa murang gulang pa lang. Ngayon, taong 2017 kasabay ng 2nd Moving Up graduation ceremony ng mga bata sa Nursery at Kinder-1 sa isang mall noong Marso katorse ay ipinagdiriwang din nila ang ikalawang taon ng eskwelahan.
Matatandaang bunga ng pagmamahal niya sa kanyang anak ang pagtatayo ng JL. Taong 2015 naghanap siya ng pre-school sa Mintal ngunit wala siyang mahanap na malapit sa kanyang bahay. Kaya nagrent ng pwesto, kumuha ng teachers at binuksan ito matapos ang 15 araw. Mula 30 meron nang 80 estudyante ang eskwelahan. Dagdag pa ni Ma’am Janice magbubukas pa siya ng isa pang branch ng kanyang eskwelahan sa Mintal para mas marami pa silang batang matulungan at maturu-an pagdating ng panahon at ngayong papalapit na naman ang summer, bukas na silang tumanggap ng mga batang gustong mag-enroll para sa summer class at summer enrichment program.
Ayon sa theasianparent.com hinihimok ng gobyerno ang mga magulang na huwag na lang daw isipin na dagdag lang ang dalawang taon sa pasanin ng mga estudyante, bagkus isipin na lang na ito ay dalawang produktibong edukasyon upang sila’y mas maging kumpetetibo pag tungtong nila sa kolehiyo. (Brian Roldan | UM intern)
No Comments