‘Mahal ko ang work ko’ – 911 Davao K9 handler (Part 1 of 2)
Hello everyone! March na. Araw ng Dabaw na agad next week. Sabi ng Indians na nainterview ko, gusto nila dito kase safe. Ano nga ba ang contribution natin para mapanatili ang kapayapaan dito sa Davao City?
Kung na-enjoy n’yo ang Pet-ibig article ni Thessaloe Fernandez last week, tiyak marami na naman kayong matututunan sa kwento ng kanyang kapatid, Jethro James Fernandez. He interviewed Mr. Arvin Serra, a well-known and successful K9 trainer in Davao City.
Dear KNOT,I invited Arvin to have a photo shoot in our studio with his pets and family, and he responded positively to our invitation. After the photo session, I requested him if I could have a short informal interview with him, since I was very curious about his career and I wanted to know how he became successful. Eventually, I asked permission from him if I could share the interview to the public since I realized that this interview will be very helpful to our dog lovers.
Arvin Serra shares his personal experiences and learning on dog handling and training. His success story is worth sharing to Davao dog lovers. So, here’s my one-on-one interview with him. [I hope you’ll learn something].
ME (JETHRO): Paano ka nagsimula sa iyong career as K9 Trainer?
ARVIN: Nagsimula ako noong nasa Manila pa kami ng misis ko. Binigyan niya ako ng isang Labrador na aso then sinabihan niya ako na alagaan ko daw yun. Binigyan niya din ako ng isang libro about Labrador at tungkol sa dog training.
So yun, sinubukan ko yung natutunan ko sa libro. Bale naging past-time ko magtrain ng aso habang nagtatrabaho. Di nagtagal tumigil ako sa trabaho ko, dahil buntis yung misis ko kaya nagkaroon ako ng time talaga na magtrain ng aso.
Nagstart ako train noon doon sa bahay pa lamang hanggang pagkatapos nu’n medyo naging magaling na ako. May K9 trainer galing sa PNP na nakapansin sa akin at sa aso ko. Noong napansin niya yung aso ko na magaling, kinuha niya ako na maging isang dog trainer. So yun, tinuruan ko ang mga aso particularly about bomb sniffing dogs.
Then, later on bumalik kami ng Davao kasama yung misis ko at yung panganay namin. It just so happen na merong job opportunity na binigay ang isang pet shop na magtrain ng mga aso niya at mga clients nito. Nagsimula kong tinuro ang “Obedience Training,” then di nagtagal may bagong opportunity na dumating.
Nagsimula yung 911, when they were looking for K9 handlers and dog trainers. So doon nag apply ako, then nakapasok. That was year 2007, so umalis na ako sa petshop noong na hire na ako sa 911.
ME: Other than K9 Trainer or Handler, ano pa yung pinagkakaabalahan mo?
ARVIN: Usually, minsan may mga friends ako na nagpapaturo ng basic dog obedience. Yung andoon ako sa petshop, madami ako nakilala na friends, sila din yung mga nagrerecommend for dog training.
ME: Meron ka bang formal training sa dog handling?
ARVIN: Wala, based on experience lang talaga. Yung mga nabasa ko sa libro at nakita ko sa internet sinubukan ko i-apply yun. Pero noong January this year, pinadala ako doon sa Camp Crame, nagtraining kami doon kaya nakatanggap ako ng certificate after sa training namin. Kaya ngayon, I’m already a certified K9 Handler.
ME: Bakit mo gusto maging K9 handler?
ARVIN: Actually noon, gusto ko talaga maging pilot. Kaso dahil walang sapat na income ang mga magulang ko noon, kaya di ko natupad yung dream ko. In fact, pito kami magkakapatid, tapos tag iisang taon lang ang agwat namin.
“Gusto ko rin makatulong na maprotektahan ang lungsod ng Davao, t’saka parang tibok na ng puso ko talaga bilang isang dog lover na gawin ko ‘to kasi ito yung tama.”
Hindi lang dahil hilig ko yung aso, kundi dahil alam ko din na ito ay nararapat at para makatulong sa mga tao. Masaya ako dahil hindi lang hobby ko ito, kundi nakakatulong din ako sa City at may nacontribute din.
Masaya ako kasi hobby ko siya at the same time, trabaho ko din. Kaya di ko nararamdaman ang pagod. Araw-araw madami kaming aso na tinuturuan, mga bomb dog sa opisina, kaya minsan wala na talaga akong oras mag part-time training sa iba.
ME: Ano na masasabi mo bilang isang chief ng K9 unit ng 911 Davao?
ARVIN: Sa ngayon ako na ang chief ng K9 unit ng 911 Davao simula noong 2010, seven years na ako in service. Delikado yung work namin. Kasi, anti-terrorist siya eh so pinaka delikado talaga work namin. Yun lng, masaya ako dahil ito yung line of work ko t’saka mahal ko din ang work ko.
No Comments