A priest of Yes
Paring may puso.Iyan si Fr. Hover Jocson. Naalala ko pa nuong siya pa ang Spiritual Director ng charismatic, hinarang ko siya sa Charles Borromeo chapel. Kailangan ko kasi ng mass presider para sa recollection ng aming GKK. Walang letter, walang mahabang usapan, yes kaagad ang reply niya. Ang co-teacher ko din na youth charismatic leader napag-aral niya. Mabait talaga siya.
Sa panayam ni Jane, ang training assistant natin, ikapito si Fr. Hover sa siyam na magkakapatid. Pasensyoso. Tahimik. Secretive (kahit naospital na, walang nakakaalam na kapamilya), at di marunong mairita.
Bata pa lang, naglalaro na siya ng “misa-misa.” Yung kunwari, siya ang pari, kasama ng kanyang mga pinsan.
Pumasok sa seminaryo at nang pinalabas muna para mag muni-muni sa ikalawang taon, agad itong kinausap ang nanay niya. Kwento ni Lorie Tadla, best friend niya, “Pagkabalo nga muregency, nihilak sa atubangan sa iyang mama nga mura ug bata…after schooling sa college, nakawork sa insurance company ug wala madugay, mibalik sa seminaryo.”January 7, 2014, nakaranas si Fr. Hover ng mild stroke. Fifteen days siya sa ICU. February 18, lumabas ang resulta, Prostate Grade 2, kaya naoperahan kaagad ito. Matapos ang tatlong linggo, na ICU ulit, high blood naman. March 1, sinimulan ang dialysis at nanatili ng 39 na araw sa hospital. November 3, inoperahan, at matapos nuon, inaatake na ito ng lagnat. Hanggang ipinasok ulit sa hospital. Sa katunayan, sa ICU nakapag new year si Fr. Hover.
Dagdag ni Lorie Tadla, “pagkabalo nga aduna siyay sakit, nakapangutana siya sa kaugalingon, nganong siya pa? Ug migawas sa iyaha ang tawhanong pagbati.”
Luyo sa pangutana, nagpabilin gihapon ang kalumo sa kasingkasing ni Fr. Hover. Hangtud niadtong Enero 28, 2017, nibalik na siya sa sabakan sa iyang Amahan.
No Comments