illustration Buwan ng Wikang Filipino

Filipino: Wikang Mapagpalaya

“Filipino: Wikang Mapagpalaya”. Ito ang tema ng ating pagdiriwang ngayong taong 2024. Ipinapakita ng tema ang mahalagang papel ng ating sariling wika sa iba’t ibang aspeto ng ating buhay. Ito ay hindi lang ginagamit upang makipag-usap, ito ay isa ring instrumento ng kalayaan, pagbabago, at pag-unlad.

Sa paggamit ng wikang Filipino ipinahahayag natin ang kusang pagyakap sa ating kultura, tradisyon, at kaugalian. Sa palagiang paggamit ng sariling wika, ipinagmamalaki natin ang ating pag-iral bilang Pilipino sa mundong ito.

Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa!

No Comments

Post A Comment