Pag-ambit sa Kalipay sa Pagtubag sa Tawag sa Ginoo (Part 2 of 2)
Seminarian Arjay Ligamzon gikan sa Diocese sa Malolos, 33 anyos, Political Science ug Law, legal officer nga nagpahayag sa iyang mga nahibaw-an sa usa ka buwan nga BEC immersion. “Ako po ay naka assign sa nakapagandang isla ng Samal, sa Sto. Niño Parish Kaputian Island Garden City of Samal. Si Fr. Edsel Paloma po ang aming parish priest. Nung pagdating ko dun sa Sto. Niño Parish sa Kaputian, hanap ako ng pari, aasahan ko naka clerical, pero si Fr. Edsel, ay nandun sa harap ng parish tapos nag se-semento, si Fr. yung nagsesemento kasi may project siya dun sa parokya. Napaka gandang tingnan kasi first time kong nakakita ng naghahalo ng sementong pari hindi lang yun basta siya, di rin trabahador yung kasama niya, kundi lay leaders din ng community, yun ay napakatingkad ng pagpapakita sa akin ng bayanihan, so ang GKK pala ay hindi basta simpleng pag-aaral lang ng salita ng Dios, ito ay pagsasabuhay, at paggawa sa salita ng Diyos. Nung na punta ako sa mga GKK, sa mga chapel, yung mga tao dun nung alam nilang may, seminarista ay tuwang-tuwa sila, tapos ininvite ako sa bahay nila, tapos dun ako papakainin ng masaganang panihapon, paniudto, at masaya sila na nakaka encounter sila ng mga seminarista, ng mga pari, dahil para sa kanila, ang presensya ng isang nagpapari, o ng pari, ay si Jesus mismo.
Seminarian Jose Cordova from Diocese of San Carlos, graduate of Bachelor in Elementary Education, 29 years old “Na assign po ako sa Saint Vincent Ferrer Parish sakop siya sa Davao City, Marilog district, sa Buddha. Napapansin ko talaga yung pagiging kongkreto ng kahit na madami yung myembro ng katawan ni Kristo, merong union, merong unity, nagkakaisa yung mga tao sa pagpaplano, paggawa ng proyekto, o kanilang mga programa meron silang meetings , kahit walang bayad nag vo-volunteer, may nagpipintura, may nagwawalis, may nagluluto, dun ko nakita yung pagkakaisa ng mga tao, iba-iba yung ginagawa nila pero, nagkakaisa, parang na amaze ako na, ganito ang simbahan, sa pamamagitan ng BEC, isa sa pamamaraan, isa sa way of handling parish, or way of life, way of living out concretely, the body of the church, the body of Christ, naisasabuhay talaga ng mga lay faithful lalo na ang mga lay leaders, na matiyaga talaga na mag sacrifice ng mga oras para lang maka lingkod sa simbahan at sa kapwa.
Seminarian Niñonel Setosta gikan sa Diocese sa Novaliches. 36 anyos. Nakahuman sa kursong Bachelor of Liberal Arts Major in Philosophy og na assign sa Immaculate Concepcion Parish, Mintal, Davao City under Rev. Fr Johnny Autida. “I think it’s common in Davao, being with the people, being with the people talaga. One of my assignments in GKK Uraya San Jose Esposo ni Maria, first time, that I saw a priest, hands on practicing together with the Knights of the Altars, apostles, mga angels, lectors, very hands on, kasama siyang nagpuyat,nagpawis, nadumihan ang paa, na alikabokan. Sabi ko, if a priest is like this, parang hindi kailangan mag sermon ng pari what is compassion, di kailangan mag sermon ng pari, ng pagka lalim-lalim tungkol sa pagmamahal but , just being there, ramdam ng mga tao. At kita ko yun sa saya ng mga tao, na kahit, pagod na kami ipinaliwanag ni Fr. Dodong kung bakit tayo may ganito, ganyan. ,nag pa practice kami at the same time catechizing personally, napakagandang experience for me, yung pari na babad kasama yung mga tao, napakalaking tulong niya, and nakikita ko rin sa mukha ng pari, sa buhay pagpapari, dapat firm ka, at the same time gentle. Father Johnny taught me na diverse ang GKK dito. Sa dami ng napuntahan kong GKK gabi-gabi lilipat ka, araw-araw. Mga Personal Stories nila, doon ko na realize yung pagkauhaw ng tao. Na gusto nilang may matutunan, and kung mayroong isang pari, or kahit sinong leader na may kakayahang makinig sana sa kanila. I think, mga tao na to hindi nangangailangan ng sagot, they just wanted someone to listen, talk about synodality. Napakagandang experience nun, ako personally wala akong mga sagot dun sa mga tanong nila but doon ko nakita ang mukha ng Diyos and I think, as a future priest, it’s always good to have somebody who listens. Even though, I have a tendency controlin ko dahil ako yung pari, pero by listening on their stories, kakaiba, Oo aaminin ko may mga tao na parang they will complain about church, pano pinapalakad ng pari ang isang simbahan, may mga complains, pero yung mga complaints na yun, i took it, as a learning, na nag cocomplain sila because they are expecting from a priest, they want something more for a priest. At i think it’s a good lesson for me, to look for myself, ano kayang itsura ko pag ako naging pari. Sana, dasal ko, pag ako naging pari, ang makita sa akin si Kristo, at sana yung mga tao din na makita ko, ay si Kristo din. Sana, sa bawat ginagawa ko, si Kristo ang nakikita.
No Comments