Usapin sa banta ng oil spill sa Verde Island Passage tinalakay
Sa nakaraang public forum, “Stop the Oil Spill and Hold the Culprits of this Disaster Accountable” nahimay ang iba-ibang banta sa Verde Island Passage at mga hakbangin mula dito kahapon Marso 20. Sa pakikipag-ugnayan ng Greenpeace, Oceana, Center for Energy, Ecology and Development at iba pang stakeholder sa Isla Verde Passage kasama ang Batangas, Palawan, Mindoro, Romblon at Mindoro.
Nagbahagi ng situationer ang isang konsehal mula sa Pola, Oriental Mindoro at kung ano ang mga kasunod na gagawin ng kanilang lokal na pamahalaan. Nagbigay naman ng teknikal na paglalahad si Dr. Hernando Bacosa ng Mindanao State University Bataraza Campus tungkol sa mga siyentipikong pag-aaral at posibleng impact ng oil spill. Bilang bahagi ng consortium na gumawa ng pag-aaral partikular sa Deepwater horizon noong taong 2010 sa Gulf of Mexico. Nag-ambag din sina Dr. Katherin Sanchez-Escalona ng Mindoro State University at Dr. Javee Saco ng Batangas State University sa talakayan tungkol marine ecosystem.
Ang health advocate at consultant namang si Dr. Tony Leachon na tubong-Mindoro ay nagbigay ng ilang epekto sa kalusugan ng oil spill habang nagbigay naman ng mga legal na remedyo ang kinatawan ng CEED si Atty. Avril de Torres. Ayon naman sa Greenpeace at Oceana, sa halimbawa ng nangyari sa Guimaras noong 2006 ay nagkaroon ng RA 9483 o Oil Spill reparation act of 2007.
Nakadalo din ang mga Island Innovation Ambassador mula sa Mimaropa at kasali sa Verde Island Passage na sentro ng marine biodiversity sa daigdig. Nagbigay ng ilang inisyatiba si Dr. Marius Panahon tungkol sa pananaliksik. Naglatag naman ng mga hakbang si Dr. Randy Nobleza na ginagawa ng munisipal at panlalawigang pamahalaan ng Marinduque. Kamakailan ay bumisita si Buenavista Punong Bayan Bong Siena sa bayan ng Pola at nagbigay naman ng privilege speech si Bokal Tres Mangcucang sa Sangguniang Panlalawigan tungkol sa paghahanda ng Marinduque sa oil spill. Ang Marinduque ay nakaranas ng tailing spill noong March 24, 1996 at nagkaroon ng 50 taong moratorium sa pagmimina. Naghahangad ang lalawigang madeklara ng “mining free zone” ang isla ng Marinduque. (Randy T. Nobleza)
randy nobleza
Posted at 08:56h, 27 Marchpagpalain po, para po sa paghahangad ng katurang pangkalikasan. protektahan ang Verde Island Passage