Pinagtagpo sa Facebook
Dear Ate Emz,
Bagong kasal po kami at ang aming relasyong mag-asawa ay nagsimula sa Facebook, sa chat, exchange of messages like: Hi…hello..taga saan ka?…Taga Davao, bakit ka pala napa chat? Anong kailangan?…Wala lng po, naghahanap lang ng ka-chat, ok lang ba?… Ah, okay lang naman. Umayos ka lang at ayaw ko ng mga jamingero at singungaling…
And the rest is history. Nasa Japan si Jeff at ako naman ay andito sa Davao. At naging kami. Okay lang sa akin ang Long Distance Relationship (LDR) kahit na ang mga friends ko ay nagtataka kung bakit napili ko yung nasa malayo na meron namang dito sa malapit. Sa three years naming going steady at LDR, naging transparent kami sa isa’t isa as we bridged the gap with daily video calls.
Nang umuwi si Jeff dito sa Pilipinas, sinamantala namin ang panahon. Namamasyal kami kung saan-saang mga tourist spots. Pinakilala din niya ako sa kanyang pamilya at masaya ako dahil mainit ang pagtanggap nila sa akin.
Ngunit hindi lang puro kasiyahan ang aming relasyon. After 5 year anniversary namin, sinubok kami ng tadhana. Iba’t ibang sakit ang dumapo sa akin, (sa thyroid, diperensiya sa ovary, extra-pulmonary TB) at halos one after another. Minsan naitanong ko sa aking sarili, “Bakit nangyayari ang lahat nang ito, Lord?”
Talagang nanlumo kami sa sunod sunod na dagok sa aking kalusugan. Ngunit sa kabila nito nagpapasalamat pa rin ako dahil sa mga pagkakataong ito, maliban sa aking pamilya at mga kaibigan, andyan si Jeff na nagbibigay sa akin ng lakas ng loob na malampasan ang lahat.
Six months akong nag-undergo ng treatment ngunit bago matapos ito, may biyaya kaming natanggap at ito ay ang aking pagdadalantao. Laking kasiyahan ang dulot ng pangyayaring ito at sa kanyang kagalakan, inaya ako ni Jeff na isakatuparan na namin ang matagal na niyang inaaya sa akin noon pa, na magpakasal kami. Kaya sa pagkakataong ito, pumayag na ako at ginawa na namin ang lahat nang paghahanda sa aming kasal. Sa isang banda nagpasalamat na rin ako sa pandemic dahil nagkaroon kami ng mahabang panahon na magkasama hanggang ngayon. Hindi pa kasi siya makaalis dahil sa mga health protocols at iba pang mga requirements.
Sadyang ang buhay ay hindi nawawalan ng mga pagsubok. Ang aming kagalakan ay hindi inaasahang masundan ng panibagong masakit na karanasan. Napag-alaman ko na nanganganib ang sitwasyon ng aming baby dahil threatened abortion ang sitwasyon ko. And as advised by my doctor, kailangan ko mag complete bed rest at mga gamot na pangpakapit. Tuloy di ko maiwasan ang sisihin ang aking sarili dahil naging busy ako sa trabaho, laging pagod, akyat-baba sa building na pinagtrabahuan ko, at kadalasan, stressed.
Sa kabila nito, nagpapasalamat lang ako dahil very understanding si Jeff at hindi ako sinisisi. Sa katunayan, sa kanya ako humuhugot ng lakas at sa pamamagitan nito, naging magaan ang aking pakiramdam na tanggapin ang lahat nang paghihirap. Kumakapit kami sa Panginoon sa aming mga panalangin at kinakausap din namin si baby na kumapit din siya dahil gagawin namin ang lahat upang maging maayos lang ang aming kalagayan. Kaya nag leave ako sa work at sinunod ang payo ng doktor na mag complete bed rest sa loob ng 2 months. After two months of bed rest, nagpatingin ulit ako sa doktor, at ang laking pasasalamat namin dahil okay na ang kalagayan ni baby sa aking sinapupunan! Naiyak kami ni Jeff sa tuwa dahil nadinig na rin ng Panginoon ang aming mga panalangin.
Ngayon na IISA na kami ni Jeff, salamat sa basbas ng aming pag-iisang dibdib, at isa-isa din natutupad ang aming mga plano at pangarap na balang araw magkaroon na kami ng anak, sa kabila ng maraming mga pagsubok na aming pinagdaanan. Ang lahat nang ito ay nagpapatibay sa aming mag-asawa at sa aming pananampalataya sa Panginoon. Dagdag pa rito, naniniwala ako na hinahanda lang kami sa mga malalaki pang mga pagsubok na aming haharapin balang araw…at hindi Niya kami kailanman pababayaan.
Sa aking pagbaliktanaw, salamat sa mga salita ng Diyos, na aming pinanghahawakan, assuring us that , “When the time is right, I, the Lord, will make things happen.” (Isaiah 60:22)
Daghang Salamat,
Alicia
* * * * * *
Dear Alicia,
Praise and thank the Lord that everything is now well for everyone. Congratulations, too, for the twin reasons to celebrate… the blessing of the Sacrament of Matrimony, an important source of grace, and the coming into this world of your bundle of joy! Indeed, God unfolds His will in our daily life, and, as Soren Kierkegaard pointed out, “sometimes life can only be understood in retrospect”. Madalas natin maririnig ang kasabihan na ang buhay ay parang gulong, nasa itaas dahil sa nararanasan na mga matinding kasiyahan, ngunit minsan naman ay nasa baba gawa nang matitinding mga pagsubok. Kung tutuusin, masasabi din natin na ang mga ito ay nagbibigay kulay sa ating buhay.
Pinagpala kayo sa inyong long distance relationship (LDR) for 3 years. Sa LDR kasi, trustworthiness is vital and always tested by time and distance. Thank God you sustained your relationship with transparency and truthfulness. Masasabi din natin na siguro, kayo talaga ay sadyang pinagtagpo at tinadhana, salamat sa grasya ng technology. Indeed, love comes in most unexpected places and in your case, from the social media.
Ang isang magandang nangyari dito ay ang pag-uwi ni Jeff at nagkaroon kayo ng mga pagkakataon na lalong makilala pa nang lubusan ang isa’t isa. Ito siguro ang masasabi natin na isang blessing in disguise na rin, yung pandemic…about more than two years na. Naniniwala ako na nagbigay din ito ng pagkakataon na wakasan na siguro ang inyong sitwasyon na LDR kasi mahirap din mag maintain and sustain ng ganitong relasyon lalo na kung mayroon na kayong supling.
Ang tunay na pagmamahal ay mapapatunayan sa gitna ng mga problema at mga pagsubok. Dito madidiskubre kung papaano ninyo kapwa harapin ang mga ito. At ayon sa iyong pagpapahayag, parang napatunayan ninyo na andyan nga kayo upang suportahan at maging lakas ang isa’t isa habang kayo ay nasa gitna ng mga hamon sa buhay. Kung iisipin mo, ang mga karanasang ito ay siyang nagpapatibay sa inyong pagmamahalan. Sadyang ito ang kalooban ng Panginoon, na lalong patatagin ninyo ang inyong relasyon habang tinutupad ninyo ang inyong pangako na mamahalin ang isa’t-isa sa karamdaman at kalusugan.
Sa iyong tanong kung bakit nangyayari ang lahat nang mga pinagdaanan ninyong mag-asawa, this is also an invitation for you to reflect, in an atmosphere of prayer and silence, and especially to listen more and for sure God will reveal His message to you. With utmost trust in Him, rest assured that He only wants what is best for you and the rest of the family. Hindi Niya kayo pababayaan. Ang inyong pinagdaanan na health problems, God may just be teaching you to take extra care of your health for the sake of that precious gift of life you are carrying.
Ginagawa ng Panginoon ang mga bagay sa Kanyang sariling oras at sa Kanyang sariling paraan. Hayaan ninyong hawakan Niya kayo sa inyong mga kamay habang kayong mag-asawa ay magkasamang maglalakbay sa mundong ito. Huwag na huwag ninyong bibitawan ang Kanyang mga kamay gaano man kalakas ang mga alon sa dagat ng buhay.
Nurture your prayer life, let God be the center of your marriage and family and everything will fall into place. May our Blessed Mother, the Star of the Sea be your guide along the way.
God bless you more.
Ate Emz
No Comments