Master Teacher
Dear Ate Emz,
Mahirap po ang makapasok sa kahit anong ahensya ng gobyerno. Talagang dadaan ka muna sa butas ng karayom para magkaroon ka lamang ng item sa DepEd. Ako po isa lamang sa mga aplikante na sumailalim sa matinding screening process para lamang makapasok. Luckily, ako po ay na-hire bilang isang Master Teacher I sa Senior High School. Agad-agad.
Ngayon, dahil ako po ay isang master teacher, nagmementor po ako ng mga katrabaho ko. Bago lang po ako sa DepEd, ngunit matagal na po ako sa pagtuturo sa pribadong paaralan.
Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit parang iba yung trato sa akin ng mga mas nakakatanda pa sa akin, especially those who are still Teacher I to Teacher III. Willing po ako na i-share ang aking knowledge sa kanila ngunit hindi po nila pinapansin ang aking ideas.
Ano po ba ang dapat kong gawin?
Daghang Salamat
Nona
* * * * * *
Dear Nona,
Congratulations for having been hired in the public school. Totoo nga, hindi madali ang makapasok dito at talagang tama ang sinasabi ng iba na dumadaan ka talaga sa butas ng karayom. Naniniwala ako na meron kang kinakailangang kwalipikasyon at karanasan kaya binigyan ka ng pagkakataong makapagturo sa paaralang yan. Mas mabilis kasi ang hiring kung nakapagtapos ka na sa Graduate studies mo. Sa katunayan, marami nang mga Master teachers na bata pa dahil nagpursige agad na makamtan ang Masteral degree sa Education program.
Ang iyong sitwasyon ay komon nang nararanasan ng mga bagong natanggap na mga guro sa paaralan. Hindi kataka-taka na minsan, maliban sa mga committed at passionate na mga guro, ang ibang mga elder teachers ay parang nagiging insecure sa mga nakakabata sa kanila, lalo na kung mas mataas agad ang item at ang rank na binibigay sa mga ito. Tambakan sila ng maraming trabaho at responsibilidad. Maliban pa rito, susubukan talaga kung hanggang saan ang pagpasensiya at kung hanggang saan ang kagalingan nila. Dahil mas “techy” ang bagong henerasyon, sila na rin ang binibigyan ng mga gawain involving computer knowledge and skills dahil ang ibang elder teachers ay hindi na bukas sa mga makabagong paraan sa pagtuturo o paggawa ng ibang bagay upang mapabuti ang edukasyon ng mga mag-aaral.
Salamat sa iyong pagiging mapagbigay upang ibahagi ang iyong panahon, talento at kadalubhasaan, sa iyong mga katrabaho. You see, teaching is not only a noble profession but it is above all, a VOCATION, a calling to a particular mission of molding young minds and hearts of the learners that they may become better persons and citizens of the world. You do not only touch lives, but you are a transforming presence in that educational environment!
Ipagpatuloy lang ang iyong mga mabuting ginagawa kahit hindi ito napahalagahan ng iba. Panatilihin mo ang iyong pagiging ganap na mapagpakumbaba at pagiging matiyaga, dahil hindi natutulog ang ating Panginoon. Magtiwala ka lang sa Kanya, patuloy din Siyang gumagalaw hindi lang sa iyong buhay ngunit sa buhay na rin ng iyong mga kasamahan sa trabaho.
Just remember the words of Mother Teresa of Calcutta, “…if you are kind, people will accuse you of ulterior motives, be kind anyway…the good you do today may be forgotten tomorrow, do good anyway…you give the world the best you have, and it may never be enough, give your best anyway…for you see, in the end, it is between you and God… it was never meant between you and them anyway”.
Make everything more meaningful and valuable. With fervent prayer, endeavor to please God in whatever you do, and don’t forget that as you offer your deeds, stamp and sign each act, with love, all for His greater glory.
May our Blessed Mother Mary always guide you along the way as you continue to be an instrument in touching and changing lives with your giftedness.
God bless you more.
Ate Emz
No Comments