Friendship OVER
Dear Ate Emz,
Ako si Jane. Ang hirap kapag trinaydor ka ng sarili mong kaibigan. I trusted her so much, na halos lahat ng sikreto ko at personal ko na mga hinanakit, alam niya. We’ve been best friends since time immemorial. Until such time na nangyari ang betrayal. Akala ko nga na sa teleserye ko lang ito maririnig, pero nangyayari pa rin talaga ito sa totoong buhay. My bestfriend betrayed me because she dated my ex-boyfriend. Hindi ko alam kung mafo-forgive ko pa siya.
Should I forgive her? Or okay lang ba na forgive but never forget?
Namamahal
Jane
* * * * * *
Dear Jane,
To have found a best friend is to have found a treasure to keep and to cherish. You could even be soulmates, sharing the good, the bad and the ugly in each other and yet in spite of all these, still being able to love and accept each other as you are. You are both vulnerable, hence, deep wounds could be inflicted when betrayal happens, just as what you have experienced when you learned that she dated your ex-boyfriend.
Kalimitan, kapag mayroong hindi pagkakaintindihan or nagkaroon ng conflict ang magkasintahan, si boyfriend ay lalapit sa best friend ni kasintahan dahil sigurado siya na dito nagsusumbong ang kanyang mahal. Si best friend ay nagiging mabuting tagapakinig, tagapayo, at nagpapakita ng mas malawak na pang-unawa at pagpasensiya. Ngunit minsan, dahil siguro sa madalas nilang pag-kikita at pag-uusap, hindi namamalayan at nahuhulog na pala ang kanilang loob sa isa’t isa. Kaya kapag ganito na ang kahihinatnan, talaga namang isang napakasakit na sampal ito para sa iyo at napakalalim na sugat ang dulot sa inyong pagiging matalik na kaibigan. Oo nga, kahit ex-boyfriend mo na yon, at wala na kayong relasyon, hindi makakaila na talagang masakit pa rin ito kaya nasabi mo na pinagtaksilan or betrayed ka ng iyong best friend.
“Hindi ko alam kung mafo-forgive ko pa siya”. Balido naman itong pahayag mo sa kasalukuyan, lalo na kung bago pa itong pangyayari. Kailangan ng sapat na espasyo at oras sa pagnilay-nilay sa lahat ng mga pangyayari. Ano kaya ang ibig sabihin nito para sa iyo at para sa lahat nang involved? Maaring mayroong pinapahiwatig na mensahe para sa iyo ang ating Panginoon. Maaaring may iba Siyang mas magandang plano para sa inyo. Ang pagpapatawad ay nasa sa iyong pagpasya. Minsan sasabihin ng iba, “ang Diyos nga ay nagpapatawad, ikaw pa kaya?” Sa panalangin na tinuro ng ating Panginoong Hesus, ating pinagdadarasal at hinihingi sa Ama, “patawarin mo kami sa aming pagkakasala tulad ng PAGPAPATAWAD NAMIN SA MGA NAGKAKASALA SA AMIN…” Kailan ka kaya magiging handa at magiging totoo sa sarili tuwing binibigkas mo ang mga katagang ito sa iyong panalangin?
“Should I forgive her? Or okay lang ba na forgive but never forget?” When you forgive, you free yourself from the bondage of this negative emotion. You may not forget the pain but you will learn to live with it. Healing will take place in due time despite the scars that have etched in your heart. You can always choose to pick up the broken pieces and take with you whatever lessons you have learned from this experience and use these to strengthen and improve future relationships as well as to help you become a better person. Furthermore, just remember that scarred people are beautiful.
Letting go is difficult but not impossible, with God’s help. Move on and start life anew. Ang pagpapatawad ay isang proseso at ito ay nire-renew araw-araw hanggang sa darating ang panahon na maari mo nang ipagdiwang itong karanasan na wala nang sakit na nararamdaman, kundi pasasalamat sa Panginoon sa bawat natutunan dito. Ang lahat ay biyaya ng Panginoon, maging ito ay mga kasiyahan man o kaya kalungkutan.
Ngayong panahon ng Kuwaresma, iniimbitahan ang lahat na makiisa sa ating Panginoong Hesus, pasan-pasan din ang kanya-kanyang krus habang naglalakbay sa mundong ito. Ito ang tamang panahon sa pagpapaigting ng ating panalangin, pagnilay-nilay sa lahat ng mga pagsubok sa buhay, kasama na ang imbitasyon sa paghingi ng kapatawaran at ang pagbigay nito sa mga nagkasala sa atin…tulad ng pagpatawad ng Panginoon sa ating mga kasalanan. Tulad ng ating Panginoong Hesus, sa dulo nang lahat ng ito, kasama ng ating Mahal na Ina, harinawa, makamtan din natin ang inaasahang maluwalhating muling pagkabuhay, at nang malalampasan ang lahat nang mga pagsubok na ating nararanasan.
Sa iyo, Jane, alam ko na sukdulang pagpakumbaba mula sa iyo ang kailangan nito, ngunit sana darating ang panahon na magawa mong ipanalangin ang kasiyahan at kabutihan ng iyong matalik na kaibigan at ng iyong ex-boyfriend sa kabila ng lahat. Marahil siguro kayo at ang iyong ex-boyfriend ay sadyang pinagtagpo lamang ngunit hindi talagang tinadhana.
Have a blessed and joyful Easter!
God bless you more.
Ate Emz
No Comments