towfiqu barbhuiya stock money problem empty wallet unsplash Photo by Towfiqu barbhuiya on Unsplash

Pera-Pera na lang ba Talaga?

Dear Ate Emz,

Ako si Jeremy, 27 years old, at mag-iisang taon nang married. Madalas kong naririnig sa aking mga magulang ang mga katagang “money is the root of all evil.” Hindi ko lubos maintindihan ito dahil pera ang dahilan kung bakit ako nakapagtapos. Pera rin ang dahilan kung bakit mayroon kaming kinakain.

Of course, alam ko na hindi pera ang solusyon sa lahat ng bagay sa mundo. Ngunit tuwing araw ng sahod, kinekwenta ng asawa ko ang aking sweldo at halos wala na akong naisasantabi para sa personal kong mga pangangailangan. Hindi naman ako madamot na tao, pero ngayon sa sitwasyon ko, para bang mas mahalaga pa ang pera kumpara sa akin. Ito rin ang dahilan ng hindi namin pagkakaintindihan ng aking asawa. Naalala ko tuloy na pera rin ang dahilan kung bakit pinagtaksilan ni Judas si Jesus. Kailangan ko na bang maalarma sa sitwasyon namin ngayon?

Daghang Salamat
Jeremy

* * * * * *

Dear Jeremy,

Congratulations to both of you for having surpassed one year of spending life together, being married. It is not surprising that within the first few years of married life, adjustments are sometimes very disturbing or distressing that one would ask, “why do these things happen” or “should I be alarmed?” Kahit gaano pa katagal ang courtship at engagement period ninyo, discovering each others’ similarities and differences on a deeper level has just begun.

Sa buhay mag-asawa one source of conflict is the issue of money. Pangit kasi kung pera ang pinagmulan ng away, conflict or di pagkakaintindihan. May tendency na maging easily offended ang hinahanapan nito dahil napaka sensitive nitong bagay. Hindi maiiwasan na i-associate dito ang iyong pagkatao, ang pagtitiwala at paghihirap sa trabaho, ang kakayahang magtaguyod ng pamilya, etc. Kaya kung tinatanong o kinikuwenta ang intrega, maaring naramdaman mo na parang hindi ka na-appreciate bilang katuwang sa buhay, at kagaya ng iyong pahayag, nararamdaman mo na parang mas importante pa ang pera kaysa sa iyo; and this is painful on your part.

Sa iyong sulat, hindi lang maliwanang kung dalawa ba kayo ay nagtatrabaho or mayroong income, ngunit ikaw ang nag-intrega ng buong sweldo kay Misis. Minsan nga, mayroong nag- joke tungkol sa income ng mag-asawa, at ang sinasabi daw ng wife sa kanyang husband ay ganito; “what is mine is mine and what is yours is ours”. Kidding aside, depende talaga sa inyong dalawa kung paano ang arrangemet tungkol sa pagmanage ng inyong finances.

Mayroong mga couples na kung dalawa sila ang may income, they may agree among themselves to manage their own incomes but commit kung sino ang responsible sa pag settle ng mga particular bills: groceries, education, shelter, etc. Yung ibang couples naman, binibigay kay misis ang buong sweldo, at siya na ang mag mamanage nito, at maglaan na lamang ng allowance para kay mister. Ang mahalaga mayroong transparency kung ano ang mga items sa budget nang sa gayon ay maiwasan ang mga pagdududa kung saan napunta ang pera. Kaya kailangan maupo ang dalawa, pag-usapan at mag agree kung ano ang dapat pagkakagastusan.

Mayroon akong kilalang couple na si misis ay matiyagang nililista ang daily expenses. Sa ganitong paraan makikita nilang mag-asawa kung ang mga pinagkakagastusan ay talagang mga needs or mga wants lamang. Mapag-usapan kung ano ang mga dapat i-give up muna or set aside for other priority needs. Magandang practice din ito kaya wala silang masyadong conflict sa kanilang financial concerns.

May mga couples din na common ang funds tapos nilalagay sa iba’t-ibang envelopes na may kanya-kanyang labels. Sa ganitong paraan makikita talaga kung alin sa mga envelopes ang may naghihingalong laman at kung alin ang mayroon pang naiiwan pagkatapos ng budget period.

Sa mga obserbasyong ito, merong isang nagbigay ng formula kung paano ang pagmanage ng finances. Aniya, INCOME = SAVINGS minus EXPENSES. Ibig sabihin unahin at siguraduhin agad ang paglaan ng savings at ang matitira ay siyang i-budget sa mga pagkakagastusan. Marami na rin mga sources or tips sa pag manage ng finances na matutunghayan ninyo sa iba’t-ibang mga eksperto dito. Mag explore lang kayo sa internet.

Sa lahat nang ito, mahalaga ang sapat at epektibong komunikasyon upang maiwasan ang hindi pagkaintindihan, hindi lang sa financial matters kundi sa iba pang bahagi ng buhay may-asawa. “Dapat bang maalarma?” Alam mo, Jeremy, ang inyong situwasyon ay isang pagpapatunay na nagkakaroon kayo ng pagkakataon na matuklasan at lalong makilala ang bawat isa. Katulad ng aking nabahagi, kung minsan magugulat na lang kayo sa inyong mga nadiskubreng pagkakaiba sa pananaw sa buhay. Kasali na dito ang pananaw sa pera at paano ito nakakaapekto sa inyong relasyon. Alalahanin na ang buhay mag-asawa ay isang pagtutulungan (teamwork). DIYALOGO ang susi dito. Dapat pakinggan ang bawat isa, pakinggan kung ano ang nararamdaman at alamin ang sanhi nito dahil ang mga ito ay napakahalaga na makamtan ang pagkakainatindihan. At ang pinaka importante sa lahat ay pagpapakumbaba at dapat iwasan ang paghuhusga sa inyong pagkatao. Mag focus lang sa ginagawa. Love the sinner, hate the sin, ‘ika nga.

It is also very important to take note that as far as finances are concerned, we often tend to look at money as the “root of all evil”, just as you have mentioned. Actually, it is not so, but it is the LOVE OF MONEY that is the root of all kinds of evil. (1 Tim 6:10). Hence, let us not allow this to control us. Let us be on guard against making this the cause of our downfall. Remember, money/wealth is meant to be used to enhance the good or to be used for God’s purposes. Simplify your life, live within your means, and be wise spenders. Above all, stay healthy, both body and spirit, because health is wealth.

Hoping and praying that this aspect of your married life may bring you to a better understanding and acceptance of each other as you continue to grow together, to be committed to your marriage vows to love and to cherish each other…for richer or for poorer…. till death do you part. Amen to that.

May this coming Easter season bring you more blessings of newness in your journey through life together, accompanied by our Risen Lord, and our very own Mama Mary.

God bless you more.
Ate Emz

No Comments

Post A Comment