Hiwalay

Dear KNOT,

Itago niyo nalang po ako sa pangalang CK, 27 years old at naka tira sa bahagi ng Luzon. Galing po ako sa broken family. One year old pa lang ako nang magpasya ang aking Tatay na umuwi sa Mindanao. Noong time na iyon hiwalay na sila nang aking Nanay. Bunso po ako sa apat na magkakapatid. Ang pinaka panganay namin at ako ay naiwan sa Tatay. Yung pangalawa at panagatlo ko namang kapatid ay naiwan sa aking Nanay sa Luzon. Dahil wala kaming sariling bahay sa Mindanao at jobless ang aking Tatay, kami ng ate ko ay palipat lipat na iniiwan muna sa mga kamag-anak, kaibigan o kakilala niya. Maraming lugar ang natirhan namin, sa Cotabato, General Santos, Kidapawan City at Davao City. Halos taon-taon sa iba’t ibang pamilya kami iniiwan habang ang Tatay ay off and on ang trabaho. Lagi akong naninibago at nag-aadjust sa iba’t ibang makakasama sa iba’t ibang mga pamilya kung saan kami iniiwan. Natuto akong magpakumbaba dahil nakikitira lang kami sa kanila.

Mapalad kami nang iniwan niya sa Davao City, doon sa kanyang family friend. Sila ang tumayo bilang pamilya namin at malaking tulong ang ibinahagi nila sa pagpatuloy ng aming pag-aaral. Dahil sa tulong ng family friend na ito, nagkaroon ng permanenting trabaho si Tatay. Nakatapos ng college si Ate, nakapagtrabaho, at nakapag rent na rin kami ng apartment.

Nag home school ako hanggang grade 4 at napasok din sa regular school simulang grade five. Dahil may permanenting trabaho na ang Tatay, sa wakas nakatikim na rin kami ng masarap na pagkaing kami na yung bumili at hindi ang ibang tao. Nagkaroon na rin ako ng bagong laruan, damit at ibang mga importanteng bagay.

Nakapag tapos ako ng elementarya at High School sa isang pribadong paaralan. Akala ko tuloy tuloy na ito, ngunit nang ako ay magka college na, kailangan nang mag retire ni Tatay dahil sya ay 60 years old na. Hindi ko pa maintindihan noong mga time na iyon pero paubos na pala ang kanyang perang naipon. Pero dahil sa awa nang Diyos at dahil sa pananampalataya, biyaya at umaapaw na Kanyang pagmamahal di nya ako pinabayaan. Bagamat kapos, maraming kamag- anak namin ang tumulong sa aking pag aaral.

Di po ako matalino, ako’y average student lamang. Kumuha po ako ng kursong Medical Technology. Ilang iyak ang ginawa ko at nagsisi ako sa aking Life Choice kasi sobrang hirap. Hindi ko magawang huminto kasi alam ko gipit na gipit na kami. Everytime nag aaral ako ng mga major subjects, di ko naiisip na makakapag tapos ako. Pero malakas lang talaga loob ko. Kahit mga palokol ang aking mga grades nakapagpatuloy pa rin ako. Halos araw araw nasa simbahan ako after class, nagdadasal na sana maka graduate ako. At Praise God nakapagtapos naman at isa na po akong Medical Technologist. Hindi ko po ito kakayanin kung hindi dahil sa gabay ng Poong Maykapal na alam ko laging naka agapay sa akin.

Sa mga katulad ko na galing din sa Broken Family, na walang kasiguraduhan ang bukas, huwag po kayong tumigil sa pagdadasal at paglilingkod sa Kanya. Dahil ang buhay na may pananampalataya sa Panginoon ay siguradong may gabay sa bawat desisyon at hinding hindi ka mawawala sa tamang landas. Habang may buhay may pagasa.

Daghang Salamat
CK

* * * * * *

Dear CK,

Sa paghihiwalay ng mga magulang, ang mga anak ang nagdurusa. Nalilito, nakakaramdan ng pagkawala, (tahanan, mahal sa buhay, kapatid, etc), at higit sa lahat trauma sa mga nagyayari. Kadalasan, kapag maraming anak ay hahatiin at paghihiwalayin, kagaya sa iyong sitwasyon na dalawang anak bawat magulang.

Sa pag balik-tanaw sa iyong mga karanasan, kahit galing ka sa broken family, hindi ka pinabayaan ng Panginoon na magiging broken person all the way. Sa katunayan, pinalakas Niya ang iyong kalooban sa gitna ng mga kahirapan, at ito na rin ay naging pakinabang mo sa iyong buhay. Salamat sa iyong pakikipagtulungan sa Kanya na lakasan mo pa ang iyong pananampalataya.

God uses human factors to convey his love and care for you and your family, in the persons of those relatives and friends of your father. They were Godsent angels to watch over you and to guide you in your daily struggles and endeavors. I am sure that even in-between, you have likewise cherished moments of joy and victory especially after having overcome such struggles. Praise and thank God, you have chosen to be a better person rather than bitter. If you come to think of it, you are really participating in Christ’s passion, death and eventually resurrection…and the cycle goes on. As what they say, LIFE is not a problem to be solved but a mystery to be lived.

Kahanga-hanga na rin ang iyong pananaw sa mga paghihirap upang magtagumpay sa kursong pinili mo. In fact, it’s not the high grades that count more, but the virtues and life skills developed from those various challenges and struggles you had to go though. Dahil dito, natuto kang maging mas malapit sa Panginoon at kumapit lang sa Kanya sa pamamagitan ng iyong halos araw-araw na pagsisimba. This is God’s way of drawing you much closer to Him. Thank Him for the grace of patience and perseverance He bestowed on you.

Lahat nang naipundar mong sipag, tiyaga at pananampalataya sa Panginoon ay umaani na ng mas matibay at responsableng CK! Sana yung ibang galing sa broken family ay maging kasing positibo din katulad mo.

May your daily life be a song of thanksgiving, as you praise and glorify God for His endless and unconditional love, God bless you more.

Ate Emz

No Comments

Post A Comment