Single Parent

Dear Ate Emz,

Maayong adlaw sa tanan. Ako usa ka single Parent 40 anyos. Dunay anak nga lalaki 15 anyos. Itago na lang ako sa ngalan nga “BEA”. Kaniadto sa akoa pa siya nga gisabak napuno ako sa mga pagsulay, pagbiay-biay, pagtamay ug daghan pa. Namabdos ako ngadto sa usa ka lalaki nga wa ko masayran nga minyu diay. Nasayop ako sa akong mga disisyon niadtong tungora kay gisunod ko ang akong gibati labaw sa panghunahuna.

Halos dili ako mugawas sa among panimalay kay tungod lagi sa kaulaw ug unsa pay maingon sa among mga silingan. Nakaingon ako nga lisud ang pagpamuyo nga nakapalibot sa imo ang mga mata nga daw gihukman na ka.

Gidawat nako ang mga panghitabo sa walay pagdumot kay kagustohan nako ang tanan. Anaa sab ang akong pamilya ug kaparyentihan nga mihatag sa ilang suporta emotionally ug financially. Sa pagkakaron padayon lang sa kinabuhi nga malinawun ug malipayon. Walay babag ug dakong problema sa pagpadako sa akong anak kay tungod buotan ug masunuron kini. Siya akong ka tambayayong sa mga gimbuhatun sa balay. Nasayod na sab ang akong anak kabahin sa kung kinsa ang iyang amahan kay aron dili siya mahibulong ug nganong wala siyay gidak-an nga amahan.

Daghang salamat;
Bea

* * * * * *

Dear Bea,

Ang anak ay isang dakilang regalo mula sa ating Panginoon, sa kahit anong pamaraan o pangyayari ang kanyang pagdating sa mundong ito. Sa iyong pinagdaanan, hindi nakapagtataka, may mga tao na talaga sadyang mapanghusga. Hindi ito maiiwasan, lalo na minsan mula sa mga kapitbahay o di kaya sa sariling mga kamag-anak. Ngunit alalahanin natin na ang grasya ng ating Panginoon ay laging kaakibat sa bawat pagsubok. Pinagpala ka dahil buong tapang at pagpakumbaba na hinarap mo ang lahat nang ito. Mahalaga ang pagtanggap mo sa iyong responsibilidad dulot ng isang desisyon na ginawa mo sa isang yugto ng iyong buhay pag-ibig. Sa kabila ng lahat, hindi ka pinabayaan ng Diyos…binigyan ka Niya ng nararapat na suporta sa pamamagitan ng iyong pamilya at iba pang mga kamag-anak.

Ang pagiging single parent ay isang malaking hamon sa pag-aruga at pagpalaki ng anak. Salamat sa Panginoon at pinanindigan mo ang iyong anak sa kabila ng mga paghihirap na iyong dinaranas. Naniniwala akong marami ang humahanga sa iyo dahil hindi mo ipinagkait sa kanya na kilalanin ang kanyang ama at napangalagaan mo siyang mabait at masunurin na anak; at nang sa gayon siya ay magiging isang mabuting tao sa kanyang paglaki.

Sometimes God writes straight with crooked lines. Ang mga pangyayari sa ating buhay ay hindi palaging nakaukit sa tuwid na linya. Ang landas ng ating buhay kadalasan ay maihahambing sa isang roller coaster ride… minsan nasa itaas, minsan nasa baba; minsan naman banayad o kaya di maayos na landas, biglang liko, etc. Kung magkaroon kayo ng pagkakataong lumingon sa iyong mga pinagdaanang paglalakbay sa buhay, at tingnan ang mas mahaba at mas malaking larawan nito, may posibilidad na makikita mo ang KAMAY NG PANGINOON sa bawat yugto nito, sa iyong bawat kilos. Lahat nang mga ito ay may mga pagkakataon sa pagbabago, nang sa gayon ay makapagsimula ulit na tahakin ang tamang landas kung saan kayo aakayin at gabayan ng Panginoon pabalik sa Kanya. Bitbit ang mga leksyong natutunan sa mga karanasan, panalangin ko na kayo ay lalo nagiging mas matatag, mapagmatyag, at higit sa lahat, mas malapit sa Panginoon sa pamamagitan ng taimtim na pagdarasal at pagtitiwala sa Kanya.

Harinawa’y maibahagi mo na rin sa iyong anak at sa ibang mga kabataan ang iyong mga natutunan sa buhay lalo na sa buhay pag-ibig. Sa pamamagitan nito, nagiging blessing ka rin sa kanila at nakakatulong sa paghubog ng kanilang pananaw kung ano ang tunay na pag-ibig…batay sa PANGINOON, ang siyang PAG-IBIG mismo.

God bless you more as you glorify Him with your life.
Ate Emz

No Comments

Post A Comment