LDR, nag-ipon, gikasal

Dear Ate Emz,

Minyu ako sa usa ka Single Mom. Kaniadto sa ulitawo pa ako daghan mi ingon nga dapat kuno akong pangasaw-on dalaga pud ug wala pay anak. Apan wala nako panumbalinga ang ilang mga giingon, importante sa akoa ang akong gibati nga gugma sa mag-ina. Itago na lang nato ang akong asawa sa ngalang Angel. Dunay anak nga duha bag-o pa mi gikasal. Dawat nako ang iyang estado sa kinabuhi ug gimahal ko sila sa tinu-uray.

Sa akong ma recall, nagkaila mi sa social media nga Facebook. Usa siya ka OFW. 1 yr. nga LDR kon Long Distance Relationship. Bisan tuod nga wala pa kami naghimamat sige na ko ug bisita sa ilang panimalay. Nakaila ko na ang iyang pamilya, iyang mga ginikanan. Akoa pud nga gina alagaan ang iyang anak samtang tua siya sa Saudi Arabia. Sa higayon nga siya mi uli balik nganhi sa Pilipinas, nag-decide mi nga mag-ipon aron nga magka-ilhanay ug wala mi nasayup kay gikan sa among pagka LDR hangtud nag-ipon ug gikasal nindot ang among panag-uban.

Sa akong kabahin dili babag kung unsa ug kinsa ang tawo nga angayng higugmaon. Dili sa ingon nga porket single Mom husgahan na. Akong pagsabot nga kini sila ang mga klase nga tao nga lig-on. taliwala sa mga pagsulay sa nangaging panahon padayun gihapun sa kinabuhi ug naningkamot nga matagaan ug maayong kaugmaon ang mga anak.

Daghang salamat;
P.J.

* * * * * *

Dear P.J.,

Love is the will to extend one’s self for the purpose of nurturing one’s own or another’s spiritual growth… Love is as love does. Love is an act of will — namely, both an intention and an action. Will also implies choice. We do not have to love. We choose to love.” ( M. Scott Peck: The Road Less Travelled)

Kung ito ay batayan ng isang tunay na pagibig, binabati kita, PJ, dahil natagpuan mo si Angela, ang isang babaeng tunay mong iibigin! Kahit ano pa ang sinasabi ng iba, sadyang nagpasya ka at PINILI mong tanggapin siya at ang kanyang dalawang anak ng buong puso. Pinakita mo sa GAWA ang iyong pagmamahal.

Naniniwala ako na ito ay isa sa pinakamahalang desisyon na ginawa mo sa iyong buhay. Sa pagsisimula pa lang ng inyong relasyon ni Angela, kahit hindi pa kayo nagkita sa personal, binibbisita mo na ang kanyang pamilya at inaalagaan ang kanyang mga anak. Blessed are the kids for you walked an extra mile to show your love for them and their mother. It takes a lot of love and a generous heart to do what you have done for this family. Nagpapatunay lamang ito na kung mahal mo yung isang tao, mahal mo rin ang kanyang mga minamahal sa buhay.

Ang LONG DISTANCE RELATIONSHIP (LDR) ay isang pagsubok sa pagtitiwala ng bawa’t isa. May mga sitwasyong ganito na hindi nagtatagal. Ngunit sa iyong pag-aalaga nito, nalampasan ninyo ni Angela ang malawak na distansiya na namamagitan sa inyo. Hindi madali ang ganitong kalagayan. Sadyang ang lahat ay may paraan upang mapagtibay ang tunay na nagmamahalan. Tama ka, wala tayong karapatang humusga kanino man. Hindi natin alam ang kanilang mga pinagdaanann sa buhay. Kaya kung ano man ang pinagdaanan ng single parents, sila ay lalo nagiging matibay ang loob, mas malawak ang pang-unawa dahil sa kanilang mga nararanasan. Ang pagtataguyod sa mga anak ay hindi biro kaya masasabi natin na isa din itong dahilan kung bakit nagkaroon sila ng lakas-loob upang harapin ang anumang pagsubok sa buhay.

May hatid na mensahe ang Panginoon sa mga pangyayari sa ating buhay, at ang lahat nang ito ay Kanyang biyaya. Kung ano man ang mga natutunan, mahalaga ang mga ito sa pagpapatuloy ng paglalakbay sa buhay dito sa mundo. Trials are meant to bring us closer to God, and I hope and pray that this is so with you and your family.

Pagtibayin ang pananampalataya at pagtitiwala sa Panginoon, laging alalahanin na Siya ang sentro ng iyong pamilya at laging gabay sa inyong pamumuhay. Ang iyong pamilya ay sadyang pinagpala dahil sa dakila mong pagmamahal sa mag-ina. Remember, in this marriage, you are a gift to each other. May your choice to love deepen more through the passing years, as you journey through life together. Continue to strengthen your will, extend yourselves as you walk extra miles, and always for no other purpose but to nurture everyone’s SPIRITUAL GROWTH.

God bless you more.
Ate Emz

No Comments

Post A Comment