Gi-mingaw nga OFW
Dear Ate Emz,
Una sa tanan maayong adlaw. Ako usa ka OFW sa UAE. 5 ka tuig na nga nagtrabaho sa dakong Hotel isip Bell Boy. Duna koy asawa ug duha ka anak 12 ug 6 years old. Hilabihan na ang akong kamingaw apan hinuon kanunay mi nga magka istoryahanay pinaagi sa internet pero lahi ra gayud ang anaa ka nganha sa ilang kiliran nga mauy mu atiman.
Wala na nako masaksihan ang hinay-hinay nga pagdako sa akong bunsong anak kay sa dihang mibiya ko para manarbaho abroad usa pa lang intawun siya ka tuig. Hingpit ko na nga makauban ang akong pamilya apan unsaun man nga kinahanglan pa nga manarbaho aron ibuhi kanila. Dili igo nga ang financial support lang kundili ang akong pagka amahan nga unta maoy mmu amuma kanila.
Gustohon ko man nga mupauli apan lisod sa pagka karon ang pagbyahe tungod sa mga restrictions ug dako ang kantidad sa magasto, sayang pud kay maka dungag-dungag na sa suporta. Antuson ko na lang nga magpabilin nganhi sa UAE hangtud nga makahigayon puhon.
Salamat Ate Emz.
Manuel
* * * * * *
Dear Manuel,
Sadyang matindi ang sakripisiyo ng mga magulang na malayo sa pamilya sanhi nang pagtatrabaho sa ibang bansa. Hindi masukat ang lungkot, pag-alala, hirap at panganib na hinaharap nila doon, mabigyan lang ng mabuting buhay at kinabukasan ang pamilya. Dagdag pa rito ang sakripisiyo na hindi nila masilayan ang iba’t ibang mahalagang selebrasyon o di kaya mga milestones sa buhay ng mga anak.
Sa mga naiiwang kabiyak, mahirap din ang nararanasan lalo na kung may mga major decisions na dapat gagawin, kung may nagkakasakit sa pamilya, at higit sa lahat ang pagsubaybay at paggabay sa paglaki ng mga anak. Pilit magiging “INATAY” (inay at itay) sa mga anak upang magampanan ang papel ng magulang na nag-abroad.
Dahil nga malayo sa isa’t isa, ginagawa ang lahat upang maibsan ang mga paghihirap na dinaranas. Salamat sa teknolohiya, malaking grasya ito upang mapalapit ang bawat pamilya, kaya mahalaga ang komunikasyon. Alalahanin na ang pakikipag-ugnayan, ang komunikasyon ay siyang bumubuhay sa anumang relasyon. It is the lifeblood of any relationship. Hence, make the most out of this technology in order to bridge the gap brought about by your distance. As much as possible it should be done daily, aimed not just to contact each other but to really CONNECT with each other. Maipadama mo sa kanila ang pagmamahal at pagkalinga sa pamamagitan ng bawat oras at minutong nilalaan ninyo sa virtual kumustahan at kwentuhan. In this way, your kids will not be tempted to run to their peers for sympathy and solace because they trust that you are just a click away to listen, to understand and to support them.
Maaring iwasan sana na ipagpalit sa mga material na mga bagay ( latest gadgets, big allowances, clothes, toys, etc.) upang maibsan ang pagkauhaw ng inyong mga anak sa iyong presensya. Ipamulat pa rin sa kanila ang simpleng pamumuhay at pagkakaiba ng needs and wants.
Pinakamahalaga sa lahat, laging alalahanin, gawing sentro ng inyong pamilya ang ating Panginoon. Maari na rin ninyong gawin ang pagdarasal ng rosary kasama ang inyong buong pamilya sa pamamagitan ng video chat or zoom. This is one way of making the most of technology. Maglaan talaga ng regular na takdang oras para dito. Sa ganitong paraan, maisatuparan ang kasabihang, THE FAMILY THAT PRAYS TOGETHER STAYS TOGETHER.
Harinawa darating ang panahon na makapiling mo na rin ang iyong pamilya. Meanwhile, stay safe, stay healthy especially in this time of the pandemic.
God bless you more!
Ate Emz
No Comments