Akong silingan nga saba-an!
Dear Ate Emz,
Akong kasinatian mahitungod sa akong komunidad. Usa ka adlaw, kining akong silingan nga itago na lang nato sa ngalang Johnny dunay mga higala nga nagkatapok sa ilang panimalay. Sadya kaayo sila ug sa punto nga sa ilang kasadya wala nila namatikdan nga naka estorbo na sila sa mga silingan. Duna silay inuman ug kantahan nga hilabihang ka saba kay adunay accompaniment nga banda.
Weekends kung sila magsaba-saba. Ate Emz, sa akong ka pungot ako sila gisultihan nga undangon na ang pagsaba-saba kay estorbo sa silingan kay kadtong mga tak-naa dis-oras na man sa gabii. Miundang tuod sila apan mao gihapun kini, nagpadayun sa matag semana. Nasayud ako nga dili dautan ang pagsadya sama niini nga sitwasyon apan sa akong kabahin dili ko gusto nga pasagdan na lang. Nagplano na gani ko nga ako ireklamo na lang sa barangay aron mataga-an og aksiyon.
Sukad niadto dili na maayo ang akong pagtagad kaniya. Sa pagkakaron tungod sa gipatuman sa atong panggamhanan nga ihunong una ang mga panagtapok-tapok, kaluoy sa Dios, naundang na ang pagsaba-saba. Apan sa pag-abot sa panahon nga mubalik sa normal ang tanan sayud ko nga kini mubalik pag-usab.
Kinahanglan nga dunay mga lakang nga angay kong pagahimoon.
Salamat Ate Emz.
Albert
* * * * *
Dear Albert,
Naalaala ko ang sinabi noon ng isa kong kaibigan. Aniya, “we choose our friends but God chooses our neighbors.” Kung totoo man ito, talagang pinagpala ang sino mang magkaroon ng mabait na kapitbahay. Samantala, kung kabaliktaran naman ang nangyayari, talagang taimtim na pagdarasal ang kailangan upang makamit ang isang “friendly neighborhood!”
Hindi ka nag-iisa sa iyong kalagayan. Marami din ang mga katulad mong hindi pinalad na magkaroon ng kapitbahay na may pakialam kung ano ang epekto ng kanilang mga ginagawa sa mga taong nakapaligid sa kanila. Ang sobrang ingay na dulot ng pagtitipon kasama ang inuman, kantahan, tawanan, etc. ay masyadong nakakaistorbo, nakakairita, at lalong masakit sa tenga kung samahan pa ng banda! At kung sila ay iyong pa aalahanang lumampas na sa takdang oras na pinapahintulutan ito… na may batas tungkol dito, nagiging sanhi ang iyong ginawa sa hindi pagkikibuan. Katunayan, minsan naging simula pa nga ito ng hindi magandang pakikitungo sa bawat isa.
Isang malaking serbisyo sa inyong komunidad ang pinaplano mong dumulog sa barangay upang ipatupad ang batas hinggil dito. Nagpapahiwatig lamang na handa kang gumawa ng paraan hindi lang para sa sarili mong kapakanan kundi para sa kapakanan ng mga nakakarami. Salamat naman at pansamantalang natigil ang nakakaistorbong pag-ingay.
Samantala, isang sakripisyo na rin para sa inyo ang walang kibuan sa tinutukoy mong kapitbahay kahit araw-araw pa kayong nagkikita. Ang ganitong kalagayan ay nagdudulot ng bigat sa kalooban. Hanggang kailan mo kaya dadalhin ang ganitong pasanin? Dito na papasok ang nabanggit natin na “talagang taimtim na pagdarasal ang kailangan upang makamit ang isang “friendly neighborhood!”
Sa totoo lang, wala talaga tayong absolute control kung ipagpatuloy ni kapitbahay ang kanyang nakakaistorbong ginagawa. Ang macontrol lang natin ay ang ating sariling saloobin sa gitna ng ganitong realidad. May kasabihang “matatalo lang ang sinumang patuloy magngingitngit”. Sa halip, gawin na lang ito na isang hamon upang mahikayat tayo na gumawa ng mga paraan upang mabitawan ang anumang pasanin na maaring magdulot ng masamang epekto sa ating sariling katawan at kalusugan. Paano nga ba harapin ang sitwasyong ito habang panatiliin ang mental health ng isang nairitang kapitbahay? Tiisin? Dedmahin? Takpan ang tenga? Ipagdasal? Ibaling ang atensyon sa ibang bagay? At marami pang iba. Nasa inyo ang pagpapasya.
Kung ang kalagayang ito ay isang krus, maari namang pasanin ng maluwag sa kalooban at gawing makabuluhan at mahalaga sa pamamagitan ng pag-aalay nito sa ating Panginoon para sa ikakabuti ng relasyon ninyong mag kapitbahay. Bunga ng taimtim na pagdarasal, ito na ang isang pagkakataong maisasabuhay ang utos ng ating Panginoon na nagsasaad: LOVE YOUR NEIGHBOR AS YOU LOVE YOURSELF.
God bless you more!
Ate Emz
No Comments