Year of St. Joseph (Part 5)
(An excerpt during the reflection night on St. Joseph by Rev. Fr. Wilfredo de Mesa Jr. OSJ, Parochial Vicar of Sanctuario de San Jose in Green Hills, Manila, via DXGN 89.9 Spirit FM-Davao, April 29, 2021. The Oblates of St. Joseph is a Congregation of priests and brothers who live the spirituality of St. Joseph. They work for the education of the Youth, the parish ministry and the propagation of the devotion to St. Joseph. Part 5 of a series.)
Sunod po, we are steward of vocation and position. Ipinagkatiwala saatin ng Diyos ang ating mga posisyon, ang ating mga estado sa buhay. Pinagkatiwala sa iyo ng Diyos ang pagiging ama, ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos ang pagiging ina, ipinagkatiwala sa amin ng Diyos ang pagiging pari at alagad ng Simbahan, ipingakatiwala sa iyo ang pagiging asawa, ang pagiging opisyal ng gobyerno, ang pagiging presidente ng organisasyon, pagiging opisyal ng isang organisasyon ng Simbahan. Kaya’t tatanungin tayo ng Diyos, naging mabuting katiwala ba tayo ng ating mga estado at posisyon na ipinagkatiwala nya sa atin? Responsable ba tayo o pinapabayaan natin ang ating responsibilidad, o inaabuso ba natin ang ating posisyon?
Next po, we are stewards of capabilities and abilities. Pinagkatiwalaan tayo ng Diyos ng mga talento at mga kakayahan. Meron sa atin may talento sa pamumuno – leadership, may talento sa pagsasalita, may talino, merong malikhain – creative, at iba iba pang mga talento at kakayahan. Ginagamit ba natin ito ng naaayon sa layunin ng Diyos, na Syang pinagmulan at Syang may-ari ng mga bagay na ito? Ginagamit ba natin ito bilang pagbibigay ng kaluwalhatian sa Diyos? O sinasayang lamang natin ang ating mga talento at kakahayan?
And then, we are also steward of faith. Ang pananampalataya ay regalo ng Diyos, ipinagkatiwala sa atin ng Diyos ang ating pananampalataya. Pinapaunlad ba natin ang ating pananampalataya? Pinag-aaralan ba natin ang ating pananampalataya? Minamahal ba natin ang ating pananampalataya? Ipinagtatanggol ba natin ang ating pananamalataya? O kinakalimutan lamang natin o binabalewala ito?
And then finally, we are stewards of the church, tayo ay mga katiwala ng simbahan, because we are, as baptized Christians, we are members of the church. As members of the church, we are stewards of the church. We are responsible for the Church where we belong. Kaya tanungin din natin ang ating sarili tayo ba ay nagpaparticipate sa mga gawain ng ating Simbahan? Ipinagtatanggol ba natin ang ating Simbahan? Tayo ba ay tumutulong sa Simbahan? O, spiritually, morally, materially, nag-aabuloy ba tayo sa ating Simbahan para sa kanyang mga programs and activities? Pinapalago ba natin ang ating Simbahan? Kailangan natin itong gawin, because we are stewards of the church. So, ito po ang ibig-sabihin ng stewardship.
No Comments