Si Virgie
Hiyee! Back to DXGN and back to DC Herald. Unahan na natin ng kwento ni Virgie, isang 27-year-old na dalaga na may paninindigan sa buhay lalo na sa usaping PMS. Ipadala ang iyong kwento at dxgnkwento@gmail.com, FB: Kwento ng Ordinaryong Tao. Ugaliing making sa KNOT araw-araw mula ala-1 hanggang alas 3 ng hapon.
Dear KNOT,
Madalas akong napagsabihan na “out-of-this-world” or “makaluma” pero okay lang kahit minsan nasasaktan din ako. Meron lang kasi akong panindigan sa buhay na non-negotiable kahit ano pa ang mangyari.
Sa edad kong 27 years old marami na po akong naging kasintahan. To be exact, lima (5) po silang naging bahagi ng aking buhay. At sa kanilang lahat, ako palagi ang nakikipaghiwalay dahil nga sa aking panindigan na ito. Ang dahilan, hindi ako pumapayag na mag PRE-MARITAL SEX (PMS). Sa mga naging kasintahan ko, kalaunan sa aming relasyon, lagi na lang hahantong sa “kung talagang mahal mo ako, ibibigay mo ang lahat sa akin.”
Kaya ito palagi ang sanhi ng aming pagtatalunan hanggang sa hihiwalayan ko na silang sila. May mga panahon na nagsisisi din ako dahil minahal ko na rin sila pero di ko talaga maatim na gawin ang gusto nila. Naniniwala ako na kung tunay kang nagmamahal ay pahahalagahan mo ang iyong sarili sa bagay na ito.
Sa aking mga barkada lagi nga ako out of place at tinunukso nga nila ako dahil virgin pa daw ako at bakit daw hindi ako sumabay sa uso. Ang sa akin lang naman gusto kong simulan ang aming pag-aasawa sa tamang landas.
Tila very rare na nga ang aking standard pero hindi ako nawawalan ng pag-asa na makatagpo pa rin ako ng lalaki na may mahalagang respeto at makapaghintay sa tamang panahon na kasal muna bago marital relations.
Sa mga may sitwasyon katulad ko, sana maging matatag tayo. With God, we will find strength and courage to say NO to PMS. Maraming Salamat!
Virgie
* * * * * *
Dear VIRGIE,
Binabati kita sa iyong tapang at lakas ng loob na panindigan ang pagtanggi sa pre-marital sex (PMS). Ang mali ay hindi nagiging tama kahit marami ang gumagawa nito o kahit naging uso pa ito. Unang-una, isang kasalanan ang mag-engage sa PMS dahil ito ay nararapat lamang para sa mga married couples.
True love waits. Kung talagang tunay kang mahal ng kasintahan mo, siya ay makapaghintay sa tamang panahon, samantalang mananantili ang respeto ninyo sa isa’t isa. Alalahanin ninyo na mahalaga pa rin ang mahalin at respetuhin muna ang sarili bago makamtan ito sa iba.
Ang tunay na pagmamahal ay laging iniisip ang kapakanan at kabutihan ng bawat isa. A relationship based on true love makes you a better person. Ang pre-marital relations ay nakakasira sa inyong pagkatao. Kadalasan nagiging mababa ang tingin sa sarili. Hindi nawawalan ng takot o pag-alala na baka mabuntis at maudlot ang mga pangarap na makatapos ng pag-aaral, o di kaya sunod-sunuran na lang kay lalaki upang hindi iiwan nito dahil may nangyari na sa inyo. Sa madaling salita, nawawalan kayo ng peace of mind.
Tayo ay tao lamang at may kahinaan. Kailangan maging vigilant at iiwasan ang mga okasyon na nagdudulot ng tentasyon sa PMS. By ourselves we are weak. Magkakaroon lang tayo ng lakas sa tulong ng Panginoon. We need God to grant us the necessary strength and courage to say NO sa mga bagay na nakakasira sa ating pagkatao kaya lagi natin alalahanin na mahalaga ang ating relasyon sa Kanya. Always keep Him at the center of your relationship.
Sa mga nakaranas na ng pagkakamaling ito (PMS), mayroon pa kayong pagkakataon na magbago. Practise second virginity. Ibig sabihin, huwag nang ulitin pa. Bumalik sa tamang landas, sa gabay ng ating Panginoon.
Virgie, taas-noo mong harapin ang mga tukso ng kabarkada at ng ibang tao dahil sa iyong panindigan. Kakampi mo si Lord kaya di ka mawawalan ng lakas at tapang na ipagtanggol ito.
God bless you and may your tribe increase. – Nagmamahal, Ate Emily Madrona, DJ Cheng
No Comments