Youth overnight activity dinagsa ng mga kabataan sa MMC

Dinagsa ng mga kabataan sa Mary Mediatrix of All Grace Cathedral (MMC) ang pang-anim na youth overnight activity ng MMC Youth Coordinating Council (PYCC) noong Nobyembre 24 ng gabi hanggang alas singko ng umaga sa Holy Cross Academy, Inc., Digos na may tema, “Jesus: The Greatest Gift of All”. “Among nahuna-hunaan kining klase nga activity kay karong panahona, mas active ang mga batan-on inig kagabii kaysa buntag og ganahan sila mag overnight kauban ang ilang mga higala”, sabi ni PYCC president Rezly Florentino. Dagdag pa niya, “amo ning gi-grab nga opportunity na tapukon ang mga batan-on diha sa simbahan sa millennial nga pamaagi”.

Para din sa kanya, epektibo ang ganitong klaseng aktibidades sa pagtitipon at panghihingkayat sa mga kabataan na maging aktibo sa pakikilahok sa simbahan sapagkat hinihimok nito ang kanilang interes na makilahok at sumali. Ayon naman kay Joseph Baring, delegado ng nasabing aktibidades, “nag-enjoy ko sa mga activities at the same time daghan ko’g maayong nakat-onan sa mga stations og daghan sad ko’g nakailang bag-ong mga amigo’g amiga. Epektibo gayud kini na ma encourage ko nga moapil”.

Mayroong mahigit dalawang daang kabataan kasama ang iilang nakakatandang opisyales galing sa iba’t ibang GKK ang nakilahok sa nasabing aktibidades at nagtapos ito sa isang misa sa alas kwatro y medya ng madaling araw ni Bishop Guillermo Afable, D.D. “Unta dili lang pirminte kalipay ang ilahang pag-apil sa mga kalihukan sa simbahan kung dili mas mailhan pa nila si Kristo sa ilahang mga dughan ug sun-on Siya”, payo naman ni GKK Parish Coordinator Virginia Culajara. Ito’y isang implikasyon na kahit anong klase pang aktibidades ang isasagawa ng kahit anong organisasyon sa simbahan ay dapat nakasentro nito si Hesukristo lalung-lalo na sa pagpapakilala sa Kanya sa mga kabataan sapagkat Siya ang pangunahing dahilan kung bakit ginagawa ang isang aktibidades sa simbahan. (Junjun Sampaga | SUGID SoCCom)

No Comments

Post A Comment