Let love see you through ang answer
Dear KNOT,
Sa bus mula Davao City papuntang Bukidnon ko nakilala si Amie. Tall, dark and beautiful. Yan ang description ko nang makita siya. She’s almost perfect. Kaya wala nang second thoughts, kahit alam kong inaantok siya, nagsimula akong magtanong.
Una, kung anong oras na, pagkatapos, kung saan siya bababa, at pagkatapos, siyempre ang pangalan niya.
Suplada ang features ni Amie pero napakabait pala niya. Englisera siya DJ Cheng. Ako naman, in limited capacity. We exchanged our numbers then simula noon, naging magkaibigan na kami. May polio ako DJ Cheng kaya hirap akong maglakad. Gusto ko si Amie ngunit nagdalawang isip akong ligawan siya. Matalino siya, ako naman average, mayaman sila, ako naman, average, maganda siya ako naman, pogi din naman.
Walang imposible kapag persistent. Binisita ko sya ng binisita hanggang napasagot ko siya ngunit ayaw sa akin ng parents at mga kapatid niya kasi disabled daw ako. Kaya mula nuong nakaraang taon, ay sa mall nalang kami nagkikita. Never na akong pumunta sa bahay nila.
Gusto ko nang mag propose DJ Cheng kay Amie, alam kong mahal niya ako pero sure akong di ako tatanggapin ng pamilya niya. Ano ang gagawin ko?
Nagmamahal,
Roland
* * * * * *
Dear Roland,
Sometimes love comes in most unexpected places – even in bus trips. And the rest could be history of the love story.
Talagang normal lang na magkaroon ng first impression ang ibang tao sa mga unang pagkakataon na magkasalubong ang kanilang landas, kagaya ng nangyari sa parents ni Amie. At bilang mga magulang may mga pangarap din sila kung ano ang the best para sa kanilang anak. Normal na rin na ang unang mapansin ng tao ay ang pisikal o panlabas na anyo at ang ibang mga katangian ay hindi nakikita sa mga unang pagtatagpo lamang. ‘Ika nga, judging the book by its cover. It is only with the heart that one can see rightly. What is essential is invisible to the eye (The Little Prince, by Antoine de Saint-Exupery)
You are not disabled but a differently-abled person. You have your own giftedness and I am sure God has given you more of it so as to compensate for what you lack. To be able to declare “ako naman pogi din naman” indicates a certain degree of self confidence on your part and this is a plus factor. Allow the beauty of your heart to stand out more than your external features. As you unfold the “pages of the book” of your person, darating din ang panahon na makikita nila ang kabutihan ng puso mo at matatanggap ka na rin nila. It may be an uphill challenge but love conquers all, di ba?
Kung talagang mahal ka ni Amie, ipaglaban niya ang pagmamahal na ito. And it takes a magnanimous heart to be able to stand by her love for you no matter what. May your love for each other see you through, just let it be centered on God.
God bless you both. – DJ Cheng & Ate Emily
No Comments