Habang may buhay
Dear KNOT,
Isa ako sa mga aktibong kabataan ng aking parokya noon. Isa din akong miyembro ng music ministry. Napakahalaga ng ministriya kong iyon dahil nag iikot kami sa mga kapilya o GKK upang tumugtog, mag praise and worship, mag prayer meeting. Ngunit, dumating ang araw na unti-unti na akong nawalan ng gana. I was 15 when I started and at age 25, naramdaman ko ang pagod na iyon.
Unti unti na akong nag eexcuse sa mga pagtitipon hanggang sa nawala na nga ako sa sirkulasyon sa simbahan. Naging busy ako sa bagong business na itinayo namin ng mga kabarkada ko.
Sa printing press, iginugol ko ang lahat ng panahon. Sa press nakilala ko si Lily. Ilang buwan lang ang pagkakaibigan at nabuntis ko sya. Pagkatapos non, mas lalong lumabo ang aking buhay-espirituwal. Guilt feeling ba ang tawag dito, ‘yong alam mo kung ano ang dapat gawin at ginawa sana pero di ito ang nangyari?
Thank you.
– RR
* * * * *
Dear RR,
Maraming mga dahilan kung bakit tayo ay nawawalan ng gana sa isang bagay na ginagawa natin at isa nito ay ang maranasan ang “burn-out”.
Naramdaman natin na pagod na pagod na tayo at parang wala na tayong maibigay pa. Ganito siguro ang nangyayari kapag kulang tayo sa pahinga o masyado tayong “passionate” sa ating ginagawa at nakakalimutan na natin si Lord.
Baka madalang na tayo magdasal at mag connect sa Kanya.
Dynamic ang buhay ng tao at ang pagbabago ng landas ay inaasahan yan. Ang pagiging businessman mo ay isang pagpapatunay na ikaw ay hindi nagiging stagnant sa iyong paglalakbay sa buhay. Totoo nga, kapag may business ka, mas maraming oras ang nagugol mo dito kaya medyo hindi na mabigyan ng panahon ang dating gawain kagaya ng music ministry mo.
Dahil dati kang konektado sa simbahan, ang spiritual life mo ay naalagaan. At hindi mo mapagkaila na alam mo ang tama at hindi tama sa mga nagagawa mo. Sa mundo ng negosyo, dahil masyadong busy, nakakaligtaan or napabayaan ang spiritual nourishment. Kaya sa ngayon feeling guilty ka. Paano maalis ang guilt feelings? Gawin mo ang dapat gawin. Itama ang dapat itama… go back to God. Malayo ka pa lang sinasalubong ka na Niya ng bukas-palad at kasiyahan. Ganyan ka niya kamahal. All you have to do is to humble yourself, approach God in all humility, with the resolve to do things right. And I am sure blessings will flow in your family and in whatever endeavor you have. Revive your prayer life through your music… this is the language of the soul. Hindi pa huli ang lahat to re-connect with God… He is just waiting for you.
God bless you. Laging makinig sa KNOT sa DXGN, 1-3 ng hapon kasama si DJ Cheng at ate Emily. Until next kwentuhan, higala!
No Comments