Tree Planting
Ito ay isang aktibidad kung saan ang pagtatanim ng kahoy ang siyang importante sa lahat. Nangyari ito noong Mayo 26, 2018 sa ganap na 7:30 hanggang 11 ng umaga. Pinanguluhan ito ni Romeo D. Banga, Pangulo Sa Batan-on (PSB) kasama ang SMCC Youth Leaders at mga miyembro. Kasabay ang mga GKK Servant Leaders (GSL) na nagbigay ng meryenda at pagkain sa mga kabataan. Kasama rito ang CENRO na siyang nanguna at nagbigay bahagi at kaalaman sa pagtatanim ng kahoy. Hinding-hindi rin nawala ang presensya ng mga kabataang nakilahok. Naganap ang aktibidad na ito sa San Isidro Labrador Bombaran. Ginawa ito upang maging bahagi ang mga kabataan ng Barangay Eden kung paano magprotekta o maalagaan ang ating Inang Kalikasan, at para matutong magtanim ng kahoy para sa susunod na henerasyon at upang maiwasan ang mga kalamidad tulad ng pagbaha at pagguho ng lupa o Landslide. Bahagi ito sa pag-uusap at pagbibigay suhesyon o opinyon ng bawat miyembro ng simbahan o GKK Servant Leaders (GSK) na isa rin sa nagbigay ng malaking oportunidad sa mga kabataan na maging aktibo sa mga kaganapan sa loob ng komunidad na maging matagumpay at epektibo ang lahat. Marami ang natuwa at sumaya kahit malayo ang pagtataniman ng kahoy. Mahirap, mabato at maputik na daan ang nalagpasan ng bawat isa ngunit hindi ito naging hadlang upang maging matagumpay sa mga plano at maging isang mabuting mamamayan sa tulong ng isang maliit na kamay ng kabataan. (Joyce P. Tagala, Rochelle Ann M. Torrefiel, Cristopher A. Esma)
No Comments