General Cleaning
Noong ika-19 ng Mayo taong 2018, nangyari ang malaking kaganapan sa Barangay Eden, ang paglilinis sa komunidad. Nangyari ang aktibidad sa sentro ng Baranggay. Pinanguluhan ito ni Romeo D. Banga kasama ang mga aktibong kabataan ng Barangay. Sa ganap na 7:30 ng umaga hanggang 11:30 ng tanghali, nilinis ng mga maalalahaning mamamayan lalung-lalo na ang mga kabataan ang mga kalye, daan, at mga gilid ng mga bahay. Kinolekta rin ang mga basura sa mga bahay-bahay. Para mas mapadali at epektibo ang paglilinis, hinati sa limang grupo ang mga kabataan kung saan sila ay inatasan sa kada iisang kalye at binigyan ng responsibilidad. Ginawa ang ganitong aktibidad upang matutunan ng mga kabataan ang pagiging responsable at mabuting ehemplo sa kapwa kabataan at maging mabuting mga anak at mamamayan. Marami ang natuwa at nagalak dahil sa ginawang General Cleaning ng mga kabataan. Marami ring matatanda ang naengganyo na maglinis ng kani-kanilang bakuran dahil sa ginawa ng mga kabataan. Palaisipan na ngayon ng komunidad ang malakihang paglilinis sa buong komunidad dalawang beses sa isang buwan.
Ang aktibidad ay naging matagumpay dahil sa mga aktibong kabataan at sa malaking suporta ng mga Pangulo ng Simbahan – Pangulo Sa Katilingban (PSK), Pangulo Sa Alagad (PSA), Pangulo Sa Panudlo (PSP), Pangulo Sa Liturhiya (PSL), Pangulo Sa Batan-on (PSB), Kalihim at Ingat-Yaman. (Joyce P. Tagala, Rochelle Ann M. Torrefiel, Cristopher A. Esma)
No Comments