Pagsubok kay Tatay
Dear KNOT,
Ako si Kylmae Labacanacruz, 13 taong gulang, nag-aaral sa Sumimao High School. Ang aking naexperience noong ako ay bata pa lamang ay noong nalaglag ang aking tatay galing sa puno ng niyog. Mula sa taas hanggang sa ibaba, sa panahon na iyon akala namin ay tuluyan na siyang mamamatay. Ngunit mabait ang Diyos, dahil tinulungan niya ang aking ama, sapagkat sa halip na siya ay mamatay, sugat lamang sa kanyang noo ang kanyang natamo. Malalim na sugat ang kanyang natamo sa kanyang noo, tapos kami naman ay walang magawa kundi ang umiyak lamang. Malapit isang taon bago siya gumaling. Sa panahon na yun, grabe ang pagsubok na aming dinanas. Tumira kami sa lola ko dahil ang nanay ko ay sumama sa hospital, ang mahal ng gastos namin sa mga gamot, at halos manghingi nalang kami ng pera sa aming kapitan ng barangay. Malaki ang pasalamat ko sa Diyos nang gumaling na si itay, gusto ko ngang i-hug ang Diyos kaso nasa langit siya, ang layo niya. Minsan nga halos wala kaming makain dahil mahirap pa kami, halos umiyak na si itay dahil wala na kaming makain, dahil hindi pa kasi niya masyadong maigalaw ang kanyang katawan. Pero nakaahon naman kami unti-unti sa kahirapan.
Kalaunan, nagbebenta na ang aking ama ng kahoy na panggatong at uling sa probinsya. Medyo hindi na nahihirapan sa pagpapaaral ang aking pamilya sa amin dahil doon.
Dahil binigyan tayo ng magandang buhay, dapat nating palitan ng maraming pasasalamat ang Diyos!
* * * * * *
Salamat. Until next kwentuhan, higala!
No Comments