Diwata

Siyentipiko ng 1st Phil microsatellite, nagpahayag ng damdamin

DIWATA komiks

DIWATA komiks

Hello everyone!

Nag-isip ako kung saang banda ng aking karanasan ang aking ikukwento sa 20th Graciano Lopez Jaena Community Journalism Workshop na ginanap sa UP Diliman, Nobyembre 27-Desyembre 2.

Nagkainteres ako na basahin ang komiks ng microsatellite na ito, at mula sa lecture ng isa naming speaker na may gawa nito. Gawang Pinoy!

Naalala ko, gawan ko kaya ng tula ito. Ngayong Linggo, ako naman ang magkukwento.

* * * * * *

Diwata

Diwata-1

Pinoy na Pinoy
Diwata-1 ang napili nilang pangalan sa iyo

Tatlong taon kang pinag-isipan, pinaghandaan
Walang tulugan, pera, pawis, at pagtitiis ang puhunan
Mga inhinyero mula DOST, mga propesyonal mula sa Japan,
Mula sa UP, nagtulong upang ikaw ay mabuhayan

Pagsasaliksik
Unti-unti kang nabuo
Nagkaroon ng pisikal na anyo
Tagamasid sa kalawakan, tulong mo ay inaabangan
Ang mga nakikita mo ay iaabot sa mga tao

Marso 2016, ikaw ay pinadala na sa kalawakan
Laking gulat mo na ganoon pala kalaki ang mundo
Tuwang-tuwa ka na makalabas upang makita mo ito
Ang kalangitan, sa taas ng mga ulap

Tinanong ko ang may gawa sa iyo
Na si Dr. Joel Marciano
Hindi pa niya napag-isipan kung ano ang mararamdaman
Masaya lang siya kapag kanyang anak ikaw ay pinagkwekwentuhan

Pangarap na maiprinta sa texbooks
Nagpasalamat sa naimbag
Lipad, Diwata-1, Lipad
Hindi na ako makapaghintay na magkwento ka sa iyong karanasan

Kapag tinitingnan mo ang kabundukan at bulkan
Nalalaman nang mga tao sa baba kung gaano kalaki ang pinsala
Sakuna gaya ng bagyo at pagsabog ng bulkan.
Estado ng agrikultura, weather forecast.

Bago ka pa man lamunin ng kalawakan sa 2018
Tulong sa tao at kalikasan, sabihin sa akin
At duon, malulugod na uli akong aabangan si Diwata-2
Magpapasalamat sa Diyos sa iyo, ang mata ng kalikasan.

No Comments

Post A Comment