Stephanie PWC

Lord: Yes, dear! Panalanging natupad sa Simbang Gabi

Stephanie PWCDecember 16, 2015: Unang araw ng simbang gabi. Pinagdasal ko na sana ay hindi na palaging mag-away ang aking mga mahal sa buhay. Sana magkaisa na kami ng aking pamilya at magiging masaya parati.

Ang sabi nila pag nakumpleto raw ang simbang gabi, matutupad daw mga panalangin mo. Kaya, nagsimbang gabi ako. Laman yun lagi ang aking panalangin.

At dumaan na ilang araw, kahit wala na akong kasama magsimba, kahit madilim masyado ang dinadaanan ko papuntang simbahan, kinaya ko pa rin dahil ‘yon na ‘yon talaga ang gusto kong matupad. Oh, kay saya ko nang nakumpleto ko ang Simbang Gabi!

At totoo nga, dumaan ang ilang araw at nagsimulang masaya ang aking 2016. Lagi na kaming nagbobonding na pamilya, at minsanan nalang kung mag away sila mama at papa.

Duon ko nasabi sa sarili ko na magtiwala lang palagi sa Panginoon at hinding hindi niya babaliwalaen ang dasal mo. (Stephanie S. Amoguis, Philippine Women’s College)

No Comments

Post A Comment