Bible Congress sa Sto. Rosario inorganisa
“Ugaliing magbasa ng bibliya para mapatibay ang pananampalataya sa Poong Maykapal.” Ito ang naging pahayag ni Fr. Roy Mejias sa Bible Congress na ginanap sa Sto. Rosario Parish Pastoral Center, Setyembre 3, 2016 na dinaluhan ng mahigit limang daang GKK Servant Leaders at mandated organizations na sakop ng parokya.
Nagbigay ng input si Fr. Ritshe Gamaya, ABAD Director, ukol sa pagpapatibay ng pamilya sa pamamagitan ng salita ng Panginoon at Eukaristiya.
Ibinatay niya ang kanyang pananalita sa aklat ni Papa Francisco na “Amores Laetitia.”
Nagkaroon ng iba’t ibang palaro tulad ng Bible Sharing, Bible Scanning at Bible Quiz Bee.
“Lubos ang aking kasiyahan at ako’y nanalo sa paligsahang ito,” pahayag ni Anna Marie A. Gavia, 15 taong gulang, PSB, pinakabatang nanalo sa Bible Scanning.
Champion sina Narcisa Cedeño at Leonila Sevilla, Pangulo sa Panudlo (PSP) sa Bible Quiz Bee.
“Mahalaga na maipabatid sa iba ang kahalagahan ng Bibliya dahil ito ang magiging gabay sa ating pananampalataya lalong lalo na sa kinakaharap sa kasalukuyang panahon,” dagdag pa ni Sis. Helen Cuasito, coordinator ng Parish Bible Apostolate. (Juneva P. Ardepolla | SRP SoCCom)
No Comments