Panukalang Divorce Bill, Ipinasa Na Uli
Patuloy ang laban ng mga lideres na Katoliko sa ikalimang pagsalang ng Gabriela Women’s Party sa divorce bill sa kongreso. Ito ay upang amendyahan ang Family Code ng Pilipinas kasama na ang pag aapruba ng diborsyo upang tuluyan nang maging imbalido ang kasal.
Ayon sa pangulo ng bishops Episcopal Commission for the Pastoral Care of Migrant and Itinerant People na si Bp. Ruperto Santos ng Balanga, ang pagsasabatas ng diborsyo ay mas lalo pang makakapagpahina sa pag-iisang dibdib na ngayon ay kinakaharap na ang maraming isyu dahil sa pangingibang-bayan ng ama o ina.
Sa kabilang banda, sinabi ni Buhay party-list Rep. Joselito “Lito” Atienza, ang divorce bill o House Bill 2380 ay inayawan na ng karamihang mambabatas.
Ito ang ikalimang salang ng divorce bill proposal simula 2005. Ani Atienza, ang buong pamilya ay masyadong mahalaga sa lipunan. Tututukan raw ng party-list ang panukalang ito sapagkat naniniwala silang hindi ito makakabuti sa pamilya lalo na sa relasyon ng mag-asawa.
No Comments