Ang Tunog ng Kampana
Sa eleganteng balkonahe ng kanyang bahay ay nakaupo ang isang mayamang negosyante na si Eduardo habang humihithit ng sigarilyo. Hawak hawak niya ang isang kopeta ng alak.
Minamasdan niya ang kabuuan ng kanyang inaaring lupain. Sa di kalayuan ay natatanaw niya sa isang parte ng kanyang lupang pag-aari ang isang simpleng simbahan. Araw ngayon ng Linggo at ang mga tao ay abala sa kanilang kanya-kanyang gawain at paghahanda patungong simbahan.
Dumaan si Diego at ang kanyang pamilya at inaanyayahan siyang sumama sa kanila. “Pareng Ed, aga mo yatang uminom. Tama na muna yan tara magsisimba muna tayo,” anya ni Diego sa kanya. “Huwag na, kayo nalang muna,” tanging sagot niya. Samantalang sa kanyang isip ay naglalaro sa kanyang balintataw ang nangyari sa asawa at mga anak. Mahigit tatlong taon na ang lumipas mula ng nangyari ang karumal-dumal na pangyayari.
Araw yaon ng linggo matapos ang misa ay nahulog sa bangin ang kanilang sasakyan at naging dahilan ng pagkawala ng kanyang pamilya. Mula ng aksidenteng iyon ay nawala na ang tiwala niya sa Panginoon at isinumpa niya ang araw ng linggo. “Sige pare, tuloy na kami” sambit ni Diego at tumuloy na ang buong pamilya sa Simbahan. Ilang minuto ang lumipas at biglang narinig niya ang tunog ng kampana na para bang humihila sa kanya papunta sa loob ng simbahan.
Hindi niya napigilan ang sarili at agad siyang nagbihis papuntang simbahan. Tamang tama ang kanyang pagdating dahil nagbigay na ng homiliya ang pari. At doon niya napagtanto na dapat magbalik-loob na siya sa Panginoon. Nagpasalamat siya sa tunog ng kampana. (M. Bajo, J. Nuyad, J. Alquizan, J. Macabane, J. Ongot, J. Cardeño, St. Mary’s College of Bansalan)
No Comments