Sembreak: maglingkod imbes na maglibang
Ano nga ba ang ginagawa ng mga kabataan tuwing sembreak?
Ang sembreak o semestral break ay isang Linggo ng pamamahinga ng mga kabataang pumapasok sa paaralan. Sa ibang mag-aaral, ang pumapasok kaagad sa isipan nila ay ang paglalaro ng computer games kagaya ng DOTA, panoonod ng telebisyon, paglalakwatsa, at kung anu-ano pang libangan. Ngunit, may mga kabataan rin ngayon na hindi paglalaro o paglilibang ang inaatupag, kundi ang paglilingkod sa Diyos.
Alam kong baguhan ang mga kabataang ito sa kanilang parokya dahil nabuo lamang sila nang isinagawa ng Diocesan Youth Apostolate (DYA) ng Immaculate Conception of Mary Quasi-Parish, Tagum ang isang aktibidad na kung tawagin — “PANAGTAPOK 2015.” Ito ay na-publish na rin dito sa DC Herald.
At simula noon, naging aktibo na ang mga kabataang ito sa mga aktibidad ng Simbahan. Sumasali rin sila sa iba’t ibang apostolado bilang mga “Lilies of the Altar,” “Altar Servers”, at “Lectors and Commentators.” Ang iba rin sa kanila ay kumakanta at tumutugtog sa tuwing may Misa at mga pagdiriwang.
Hangang-hanga ako sa kanila sapagkat hindi sila nagsasawang pumunta sa at mag-alay ng kaukulang panahon para sa Diyos, kahit isang linggo lang ito.
Sa kabila ng lahat ng dinaranas nila, kinakaya pa rin nila ang lahat ng pagsubok na dumarating sa kanilang buhay. Kaya masayang-masaya akong makasaksi sa mga kabataang ito. Sa dinami-dami ng mga lugar na gusto nilang puntahan, ang Simbahan ang kanilang binabalik-balikan. May gusto kayang ipahiwatig ang Diyos sa kanila? O di kaya’y kunwari lang ang kanilang ipinapakita?
Para sa akin, alam kong seryoso sila sa paglilingkod sa Diyos. Kitang-kita na alam nilang tinatawag sila ng Panginoon upang maglingkod sa Kanya ng tapat at mahusay. Balang araw, sila rin ay magbabahagi ng mga salita ng Diyos sa ibang pang mga kabataan na siyang susunod sa mga yapak ng mga nakakatandang naglilingkod rin sa Simbahan. (Earna Rose Cadungog | Efren Masing)
No Comments