Ano nga ba ang papel na gagampanan ng kabataan ngayong eleksyon?
“Sa eleksyon na darating hindi direkta ang magiging partisipasyon ng kabataan, sapagkat karamiha’y hindi pa pinahintulutang bumuto. Ngunit ang mga boses ng kabataan sa mga usaping hinaharap ng lipunan tulad ng usaping pulitikal ay makakaimpluwensya sa magiging desisyon ng mga botante sa darating na eleksyon. Sila ang magiging instrumento sa pagmulat sa mga mata ng taong bayan sa katotohanan at sa halaga ng bawat boto, kung kaya’t dapat hindi sayangin ito. At nang kanilang mapagtanto kung ano ang magiging kalabasan nito. Maaaring kapakipakinabang o kaya’y mag udyok sa kapahamakan at walang tigil na paghihirap at mga hinaing sa loob ng anim na taon. Ito ay mahalaga sapagkat sa kanila manggagaling ang mga susunod na lider ng ating bansa. Kaya’y boses ng kabataan ay wag maliitin. Maliit man sila ngunit meron silang magagawa sa pag unlad ng bansa. – Angel Jessa May Candia, Grade 10, Nazareth High School
“Isang patunay ang kaguluhang bumabagabag sa pamahalaan ngayon na ang paparating na election na siya ring puno’t dulo ng mga di kanais nais na kaguluhan at krimen sa ating bansa. Bilang isang ordinaryong kabataang walang hinangad kundi kapayapaan, tanging ang mababahagi ko lamang ay paghikayat sa kapwa kong mga kabataan na tulong-tulong tayong maging instrumento ng pagkakaisa sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kampanya upang isulong ang tamang pagboto at tamang pamamaraan ng isang mamboto sa pagpili ng karapatdapat na mga opisyal. Maari ring kausapin ng buong respeto at unawa ang mga nakakatanda upang mas lubos nilang maunawaan ang layuning nais nating ipapabatid. – Lyle Rosal, St. Mary’s College of Bansalan
“Bilang isa sa kabataang Pilipino, ang aking mahalagang gagampanan ngayong darating na eleksiyon ay tulungan ang ating mga nakakatanda na ipaintindi sa kanila kung paano pumili ng mga karapat-dapat na mga lider upang hindi sila mabubulag sa pera. – Chinley Rongduen, GKK San Isidro Labrador, Sto. Niño Parish, Magsaysay Davao del Sur.
“Nasa kamay ng kabataan ang susi sa pagkakaroon ng mabuting bansa dahil sa kanilang pagpili sa karapat-dapat.” – Pearl Maria Janseen G Bodiongan, GKK San Vicente Ferrer, Immaculate Conceptiom Bansalan Parish
“Ang papel na gagampanan ng kabataan sa darating na election ay ang pumili ar bumuto ng mga pinuno na mapagkakatiwalaan at tapat sa serbisyong kanyang pinangakuan.” – Kea Rica Flores, GKK San Roque, St. Michael Parish of Matanao
(Anjo Vallejos | Bansalan)
No Comments