Healing priest, magaling din mag tennis
Si Fr. Fernando Suarez ay isang “Healing Priest” na ngayon ay naka assign sa Iling Island, Occidental Mindoro. Namangha kami nang tinanong siya kung ano ang pinakamalalang sakit ang pinagaling sa pamamagitan niya.
Sambit niya, “patay na muling nabuhay.”
Masayang-masaya si Fr. Fernando kapag marami ang gumagaling sa kanyang session, bagamat ang sabi niya “hindi ako ang nagpagaling kundi ang Panginoon. Instrumento lamang ako ng Diyos upang maging mabuti ang kalagayan ng mga tao sa buong mundo.”
Marami ng mga tao ang napagaling sa pamamagitan niya hindi lang dito sa Pilipinas, kundi pati na rin sa ibang bansa. Si Fr.Suarez ay hindi lamang magaling sa healing, kundi magaling din siya sa tennis. Sa katunayan siya ang isa sa nag-organisa ng National Clergy Tennis Tournament sa Tagum nuong nakaraang buwan. Sinabi niya na nilalaro ang Tennis ng kaparian bilang isang ehersisyo sa pang-araw-araw. (Maria Danica Magadla | Earna Rose Cadungog)
No Comments