Taon ng Maralita Isinakatuparan ng mga Pari

Buong araw na nagsama ang mga pari ng Artsidiyosesis sa Dabaw kasama ang iba pang mga bisita sa pagdiriwang ng St. John Vianney Day nuong Agosto 3, 2015.

Misa, dasal, pagkain at presensya ang ibinahagi ng iba’t-ibang bikaryato sa napiling charitable institutions kagaya na lamang sa Missionaries of Charity (Home for the Aged). Ayon kay Fr. Ronald Arcillas, “Touching kaayo kay nahatagan ug oportunidad nga maminaw sa ilaha, mubisita ta dili lang sa panahon ni St. John Vianney. Mabisitahan pud unta sila sa higayon nga sila giuhaw sa atong presensya.” Ayon sa seminaristang si Mat mula St. James Vicariate kakaiba ang kanilang naging karanasan sa Babista Rehabilitation Center. Dagdag ni Fr. Pete Maniwang ang mga pari sa Bikaryato ng Sacred Heart Parish ay bumisita sa Home for the Aged (Los Amigos) upang ibahagi ang Sacraments of Anointing at Holy Eucharist. “Matag parokya nagdala ug pahalipay ngadto sa mga once-young. Kaming onse nga pari, na touched kanila, tungod kay di madugay mapareha na mi nila.”

Si Fr. Nieves naman na isa sa nakilahok sa San Pablo Vicariate ay nakibahagi sa misa sa Maa City Jail. Inspirado ang lahat na ulitin ito.

Si Sem. Chris naman ng San Pedro Vicariate, masayang ibinahagi ang naging karanasan nila sa Home for the Aged.

Ang nasabing mga pagbisita ay kontribusyon na mga pari ng Dabaw upang maipahayag ang tunay na kahulogan ng pagiging alagad ni Kristo – ang pakikibahagi sa mga dukha na minsan na niyang ginawa.

No Comments

Post A Comment