Nutrition Month ipinagdiwang sa Holy Cross
Gaano kahalaga para sa iyo ang iyong buhay?
Bilang isang kabataan paano mo binibigyang halaga, pansin at tuon ang iyong kalusugan, ang iyong timbang? Wasto pa ba ito para sa edad mo?
Napakaraming bagay ang hinaharap ng ating bansa ngayon ukol sa pagiging overweight at obese ng mga Pinoy, lalo na sa ating mga kabataan. Kaya ang National Nutrition Council (NNC) ay nag anunsiyo na ang magiging tema sa taong ito para sa pagdaraos ng Buwan ng Nutrisyon ay ‘Timbang Iwasto sa Tamang Nutrisyon at Ehersisyo’.
Layunin nito na mapalawak ang kaalaman ng mga tao ukol sa kahalagahan at importansya ng pagkakaroon ng proper nutrition at ng tinatawag nilang ‘physical activities’ upang maiwasan ang pagiging overweight at obese. Layunin din ng NNC na hikayatin ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng positibong pananaw at desisyon sa pagkain ng wasto at tamang pagkain upang maiwasan ang mga sakit dulot ng sobrang katabaan.
Kami sa Holy Cross of Malita, Inc. ay nakikiisa sa kampanyang ito. Noong ika-3 ng Hulyo 2015 pormal na binuksan sa aming paaralan ang pagdaraos ng Buwan ng Nutrisyon sa panguna ni Gng. Lyra Grande, ang moderator ng Homemakers Club. Kabilang sa mga inihandang aktibidades para sa selebrasyong ito ay ang mga sumusunod: Essay writing contest, Nutri-quiz bee, Table skirting/setting, Fruit and vegetable carving, Cooking Contest at Nutri-Jingle Contest.
Inasahan na magiging daan ito upang mabigyang importansya at malaman ng mga kabataan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos at mabuting kalusugan. Na sana’y maging tulay ito upang araw-arawin ng mga kabataan ang pag-eehersisyo at pagkain ng tamang pagkain gaya ng gulay, prutas at gatas.
‘Pinaagi niining pag-celebrate sa Nutrition Month makatuon ta ug makabalo unsay dapat buhaton para proper ang atong nutrition ug tama ang timbang’ panapos ng Grade 10 student, Kyra Sarsaba. (Jonnah Mae Uy | Malita)
No Comments