The Truth Behind the Santacruzan Tradition – Elena: Reyna o Santa?
Ang Santacruzan ay isang tradisyon sa Pilipinas na nakakawing sa ating pagiging isang bansa kung saan ang nangingibabaw na relihiyon ay Katolisismo. Marahil ang tradisyon na ito ay may kaugnayan sa pananakop sa atin ng mga Kastila, at sa kalaunan ng panahon ay inangkin na natin bilang isang tradisyong Pilipino.Sa mga probinsiya ng mga isla ng Luzon at Visayas matutunghayan ang Santacruzan, kung saan ang nakararami sa ating mga kababayan ay mga Katoliko. Marahil ay idinadaos din ito sa mga isla ng Mindanao, pero hindi kasing popular sa Luzon at Visayas. Isang kadahilanan ay marahil dahil sa Mindanao ay kaunti lang noon ang mga Katoliko o Kristiyano at ang nangingibabaw na relihiyon sa ilang lugar ay Islam, at karamihan ng mga kung saan maramin ang mga Muslim.
Ayon sa mga tradisyong pasalita at mga kwento ng ating mga ninuno, at maging sa mga naisulat sa kasaysayan, ang Santacruzan ay hango sa kwento ni Reyna Elena o Reyna Helena na ina ni Emperor Constantino.
Noong paghahari ni Emperor Constantino, nagkaroon siya ng pangitain sa langit sa pamamagitan ng ulap na may hugis na krus. Ang pangitain na ito ang siyang nagpabago sa pagtingin at pakikitungo ni Emperor Constantino sa mga Kristiyano. Naging mabait siya sa mga Kristiyano at maging ang kanyang ina na si Reyna Helena ay nagpabinyag sa Katolisismo.
Magmula noon ay ipinahanap ni Reyna Helena ang kahoy ng tunay na krus kung saan ipinako si Hesus. At nang ito ay natagpuan, ito ay kanyang pinakaingatan upang hindi maagaw ng mga Moro. Ang kuwentong ito marahil ang pinagmulan ng Santacruzan sa Pilipinas kung saan makikita ang prusisyon ng iba’t ibang tauhan sa kasaysayan. Sa pinaka dulo ng prusisyon ay makikita si Reyna Helena o Reyna Elena na may hawak na krus. Kasama ni Reyna Elena si Prinsipe Constantino, na kanyang anak. Madalas ang gumaganap na Constantino ay isang bata na may hawak na espada—marahil upang ipakita na siya ay anak ni Helena at isang emperor o pinuno ng mga mandirigma.
No Comments