The Story of the Roving Rosary in Davao: Dasal Para sa Lahat
NAKASAKAY ka sa jeep at maya-maya, may maririnig kang nagrorosaryo sa kalsada! Ang iba napapa Sign of the Cross, ang iba nakikidasal, ang iba naman, nagtataka.
Ang Roving Rosary ay sinimulan mahigit 20 taon na ang nakakaraan. Mula sa inspirasyon ng isang lay minister ng Sta. Ana Parish, hatid n’ya ay dasal sa kalsada kada Sabado.
Gamit ang kanyang tape, sasakyan, at hiniram na sound system, nag iikot siya sa Davao upang matulungan ang mga nakakarinig nito kung paano magdasal kay Hesus, katulong si Maria.
Nagustuhan naman ito ng kabubukas pa lamang na prayer group na pinangalanang Our Lady of Manaoag Prayer Community. Mula nga noon, araw-araw nang may naglilibot na sasakyan, 5:30 ng hapon sa downton area. Kwento ng founding servant nito na si Sis. Melani Montillo, malaki ang naitulong ng Roving Rosary sa mga tao. “Learning how to pray the Rosary is our greatest weapon against evil. Tinuod jud nga ang Ginoo ang dangpanan through kay Mama Mary.”
Ang gawaing ito na pinagtutulungan ng may 30-40 ka miyembro ay isa lamang sa maraming apostolado ng OLMPC. Ito ay magdiriwang ng 21 kaarawan ngayong Abril 22, 2015 na sisimulan ng pagrorosaryo, prusisyon at misa mula alas 2-6:30 ng gabi sa Sta. Ana Shrine Parish. Sa mga nais makibahagi, bukas ang prayer house sa Door 15, Don Pedro Bldg., Lapu-lapu St., Agdao, Davao City, 221-3689. Ang praise and worship with healing ay ginaganap kada alas 6:00 ng gabi, Lunes.
No Comments