Minatamis na Saging

Hiyee everyone!  Congrats sa Flores de Mayo graduates natin at sa lahat ng mga katekista na nagturo.  Hindi nga natin hawak ang buhay ng ating mga estudyante. Heto ang isang kwento ng isang graduate at ngayon ay isa na ring Pangulo sa Panudlo (PSP).

 

Dear KNOT,

Tuwing darating ang buwan ng Mayo ay bumabalik sa aking alaala ang mga hindi malilimutang kabataan lalo na ang karanasan ko sa Flores de Mayo, ang pag-aalay ng mga bulaklak, ang paghahatid ng mga letrang AVE MARIA, ang tawanan sa loob ng kapilya, masarap na kainan at higit sa lahat, ang personal ko na encounter kay Mama Mary na nagturo sa atin kung paano sumunod sa kanyang Anak na si Hesus.

Ito ay isang remembrance ng aking kabataan. Dala ko pa rin hanggang ngayon ang mga alaala at mga leksyon ng kahapon.  Nagsimula akong sumali nito nung pitong taong gulang pa lamang ako ng taong 1990 sa aming GKK Sr. San Roque Lizada, kabilang sa parokya ng Sta. Ana.

Masigasig ang aming mga GKK leaders tuwing darating ang bakasyong gaya ngayon sa pag-anyaya sa mga kabataan na pumunta sa kapilya at sumali sa Flores de Mayo. Isa ako sa mga bata na tumugon sa paanyaya.

Unang araw ko pa lang sa Flores ay excited na ako dahil sabi nila, kapag walang absent may gantimpala na matatanggap at sa katapusan ng buwan ay mayroong Santacruzan na gaganapin.  Isa sa hindi ko malilimutan ay sa tuwing natatapos ang klase namin at may nakahandang Minatamis na Saging. Ngunit higit sa pagkain, ang isang aral na hindi ko malilimutan ay natuto akong magdasal ng Our Father, Hail Mary at Glory Be.  Natutunan ko din kung paano ang tamang Sign of the Cross.  Dito din nagsimula ang debosyon ko sa Mahal na Birheng Maria na hanggang ngayon ay dala-dala ko. Sa Flores de Mayo din ako natutong magdasal ng Santo Rosaryo.

Isa pang Gawain ang nagpalapit sa akin kay Mama Mary ay ang Novena at pag-aalay ng mga bulaklak habang nagkakantahan.  Walang pagsidlan ang aming kaligayahan. Animo’y tuwang-tuwa ang Mahal na Ina sa aming ginagawa.

Sa awa ng Diyos, ito ay natupad naman.  Higit limang taon na akong nagtuturo ng Flores de Mayo. Mas lalo pang umusbong ang aking pananampalataya sa Diyos at saMahal na Birheng Maria.  Dito ko rin nakita at naramdaman ang mga biyaya na pinagkaloob ng Diyos sa mga taong naglilingkod sa Kanya. Ang karanasang ito ay siya ding nagmulat sa akin sa tunay na bokasyon sa buhay – maging isang mabuting guro at layko.  Nawa’yangmgakabataansakasalukuyangpanahon ay huwagsayanginangpanahon.  Sa halip na maglakwatsa, pumunta na lamang sa mga GKK at sumali sa Flores de Mayo (Flowers of May) – Anton

 

Thank you  Anton.  Keep those stories coming. Let us tie that KNOT.  Send us your e-mail via desk@davaocatholicherald.com.

Text us your story suggestion at 0930-1193732.  Follow us on Twitter @dcherald and @ChengVilog.  Thank you very much to the parish priests and Soccom In-charge of Malabog, Panacan and Lasang parishes for the success of the Media Baby ka ba? Seminar-Writeshop.‘Til next k’wentuhan higala!

No Comments

Post A Comment