Smile Before You Open
KNOT
My Tacloban Diary
Part 2 of 3
Simple lang ang buhay sa Municipality ng Carigara, Leyte. First time ko rin na nakakilala ng 2 parish priests sa isang parokya. Ang Holy Cross Parish pala ang pinakalumang simbahan sa kabisayaan. Kwento pa ng isa na si Msgr. Manuel Damayo, “Dinhi sa parokya mipuyo ang kapin 1, 000 ka mga tawo human ang bagyong Yolanda. Naging balay g’yud ni nila sa usa ka semana. Gi suspend sa pud namo ang misa tungod kay misulod man sad ang tubig.”
Dagdag pa ng pangalawang parish priest na si Fr. Ivan, “Murag 4 ka oras ming gikuso kuso sa kusog nga hangin ug ulan. Daw sa eroplano ang tingog n’ya ang mong maduggan mga siyagit sa mga tawo ug mga atop nga nanglupad. Pero ang epekto, napansin nako nga human sa kalamidad, mas midaghan ang nanambong sa Misa labi na ang mga kalalakihan.”
Napansin ko din na sa Carigara, kitang-kita ang pagtutulungan ng munisipyo at simbahan. Bagay na mahirap hanapin sa iba. Naging masaya kami dahil ang pagdating ng DADITAMA Disaster Management Ministry (DDMM) ay naging bahagi ng kanilang ika-443 Founding Anniversary. Nagpasaya sa kanila ang Tagum Band sa unang gabi ng kanilang week-long celebration. Ang inyong DC Herald team naman ay naimbitahang mag judge sa kanilang singing contest at Talentadong Guro. Masaya ang lahat ngunit dama ko ang kalungkutan sa likod ng kanilang mga tawa.
Mula sa Carigara, nagtungo ang grupo sa isa pang lugar sa Leyte- ang Poblacion Dulag. Ngunit bago pa man namin naabot ang lugar, napadaan muna kami sa Cathedral ng Archdiocese ng Palo. Duon makikita pa rin ang bagsik na iniwan ng Bagyong Yolanda. Sira-sirang atip, “mass grave” sa labas at di na muna magamit na simbahan ang aming naabutan. Napag isip-isip ko, kung sa Davao kaya mangyayari ang ganito, ano din kaya ang reaksyon ng maraming Katoliko?
Nagkaroon ng konting orientation at sa panghuling araw ng medical mission, sumama ako sa isang clusterkung saan ay nag obserba ako sa takbo ng Spiritual Integration. Maliban sa konsultasyon at pagbibigay ng gamot at relief goods, naging mahalaga ang ginawang processing, pagdasal at pakikipag-usap sa kanila.
Ang ibang teams, pinaglaro ang mga bata, ang iba naman, ay pinakwento ang mga nanay at tatay. Ang dami kong nakausap ngunit di ko malilimutan ang kwento ng isang inang naglakad ng higit 50 kilometro dahil sa kanyang anak. Watch the video of Nena Semblante of Tacloban via Davao Catholic Herald Official FB Page. Abangan ang kanyang kwento next week.
No Comments